Isang magtataho, naiyak dahil sa kanyang munting tulong sa gobyerno

Isang magtataho, naiyak dahil sa kanyang munting tulong sa gobyerno

- Naging viral sa social media ngayon ang isang magtataho na nagpamalas ng kabaitan niya

- Habang mahaba ang pila sa drive-thru testing sa Maynila, namigay naman siya ng libreng taho sa mga naghihintay

- Naiiyak niya pang sinabi na nais sana niyang makatulong sa gobyerno kahit sa maliit na paraan

- Natuwa ang mga netizens sa kabutihang loob ng magtataho sa gitna ng COVID-19 crisis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang magtataho ang nagpamalas ng kanyang kabaitan sa kapwa niya Pinoy nitong Miyerkules.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ligaya siya sa mga taong nais magpa-COVID-19 test sa Maynila.

Isang magtataho, naiyak dahil sa kanyang munting tulong sa gobyerno

Photo from Getty Images
Source: Facebook

Ayon sa Faceboook post ng Philippine Star, ang magtataho na si Gimmy Conod ay namigay ng libreng taho para sa mga taong nakapila sa Bonifacio Shrine upang magpa-test.

Base sa post, naiiyak na sinabi ni Mang Gimmy na nais niyang makatulong sa gobyerno ngayong may krisis kahit sa maliit na paraan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, ang mga netizens naman ay natuwa rin sa kabaitan ni Mang Gimmy. Narito ng ang mga komento nila sa Facebook post ng Philippine Star :

“Sana may mga naginsist na magbayad pa rin. God Bless!”
“Ambait naman sana mabigyan kahit papaano. Pang kain man lang pamilya niya”
“Godbless po kuya, ingat po kayo lage”
“God bless kuya.. Sana mabigyan din sya na kahit konting tulong din”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ng krisis ngayon, maraming mga Pilipino ang nagmistulang “Good Samaritan” at patuloy ang pagtulong sa kapwa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang tindero ang namigay naman ng libreng taho para sa mga frontliners ngayon ng COVID-19.

Samantala, ang isang ginang naman ang umani ng papuri dahil kahit may edad na siya ay patuloy pa rin ang kanyang paglalako ng taho.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel