OFW na may COVID-19, pinaniniwalaan ng pamilya na buhay pa nang ipasok sa body bag

OFW na may COVID-19, pinaniniwalaan ng pamilya na buhay pa nang ipasok sa body bag

- Kamakailan ay naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng maraming OFW na pumanaw sa Saudi Arabia

- Subalit, hinala naman ng isang pamilya ng OFW ay buhay pa ito nang ipasok siya sa body bag

- Kita sa larawan ng bangkay na suot pa nito ang kanyang face mask noong ipasok siya sa body bag

- Nananawagan naman ang pamilya na maimbestigahan sana ang pagpanaw na nangyari sa OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naniniwala ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) na may coronavirus disease o COVID-19 na buhay pa ito nang ipasok sa body bag.

Nalaman ng KAMI na nais naman ng pamilya na imbestigahan ang pagpanaw ng OFW sa Saudi Arabia.

OFW na may COVID-19, pinaniniwalaan ng pamilya na buhay pa nang ipasok sa body bag

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isa ang labi ni Jhonrey Bohol, 39, sa mga OFW na naiuwi ang katawan dito sa Pinas kamakailan lang.

Base sa death report by Saudi Ministry of Health (MOH), pumanaw umano si Jhonrey dahil sa cardio-respiratory arrest na dulot ng COVID-19 noong Mayo 31.

Subalit, hinala naman ng pamilya nito na ipinasok ng buhay ang katawan nito sa body bag dahil may pinadalang video ang isang kababayan nila sa kanila at kitang humihinga pa si Jhonrey nang kunin ito ng mga taga-MOH.

Sa larawan ng labi ng Johnrey na kinuhaan noong Hulyo 16 ay makikitang suot pa ni Jhonrey ang damit at face mask na gamit niya doon sa video na sinend sa kapatid nito.

"Maaari pa po siya masalba at hindi man lang po binibigyan ng oxygen noong kinuha. Noong kinuha po, diretso po siyang ipinasok sa white robe, iyong bang lagayan ng patay, iyong body bag. Kung patay na po siya, sana nakita ng mga kasama niya,” sabi ng kapatid ni Jhonrey na si Jessie.

“Hindi po eh, humihinga pa siya noong kinuha... Kita naman po sa video na naglilinis siya ng mga memory sa cellphone niya," dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi ni Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Cacdac, maaari nilang iparating sa Philippine Embassy sa Riyadh ang mga katanungan ng pamilya ni Jhonrey.

Maaari ring maghain ng reklamo ang pamilya nito sa tanggapan ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers' Affairs.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa DFA, nasa 88 na labi ng mga OFW ang nakarating sa Pilinas nitong Hulyo 19 sakay ng isang special flight ng Philippine Airlines.

Samantala, isang Pinoy naman sa Saudi Arabia ang nag-viral dahil sa kanyang paghingi ng tulong dahil sa kanyang iniindang sakit. Agad ding pumanaw ang OFW na ito matapos mag-viral ng video niya.

Labis naman ang lungkot ng anak ng OFW dahil hindi agad natulungan ang tatay niyang humihingi na ng tulong online.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel