Ex-GF ni DJ Loonyo na si Aika Flores, umapela sa "Magpakailanman"

Ex-GF ni DJ Loonyo na si Aika Flores, umapela sa "Magpakailanman"

- Muling nag-post sa social media ang dating kasintahan ni DJ Loonyo at ina ng anak nito na si Aika Flores

- Sa kanyang FB post noong July 20, umapela ito sa Kapuso show na "Magpakailanman" matapos ipalabas dito ang istorya ng buhay ng sikat na choreographer

- Ayon kay Flores, sana man lang daw ay hiningi ng programa ang kanyang panig lalo pa at nakasama sa istorya ang tungkol sa yumaong anak nila ni DJ Loonyo

- Bukod dito, muli rin itong nagpabatid ng mensahe para kay DJ Loonyo kaugnay pa rin sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napatawad na raw ni Aika Flores ang dating kasintahan na si DJ Loonyo sa kabila ng idinulot nitong sakit sa kanya noon.

Sa kanyang panibagong post kaugnay sa isyu noong July 20, umapela rin ito sa Kapuso program na "Magpakailanman" kung saan naipalabas ang istorya ng buhay ni DJ Loonyo.

Ex-GF ni DJ Loonyo na si Aika Flores, umapela sa "Magpakailanman"

Jak Roberto as DJ Loonyo; photo from Magpakailanman Facebook page
Source: Facebook

Ayon kay Flores, sana man lang daw ay hiningi ng programa ang kanyang panig lalo pa at nakasama sa istorya ang tungkol sa yumaong anak nila ni DJ Loonyo.

"At para po sa #magpakailanman

"sana po know the two sides of the story first and foremost bago i air. You should have atleast contacted me to inform me na may gantong istorya na lalabas tungkol samen ng anak ko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kung di ako nagreact dito sirang sira image ko. TRUE STORY po diba? bigay natin yung totoo sa mga manunuod at sa mga taong sumusuportat nagtitiwala sa show niyo. YUN LANG PO," ayon kay Flores.

Bukod dito ay nagpabatid muli ito ng mensahe para sa dating kasintahan kaugnay pa rin sa kanilang nakaraan.

"THANKYOU gumaan nadin yung pakiramdam ko kahit papano. Sincere ka man o hindi balato ko na sayo yun. yun lang naman ang gusto ko yung aminin mong TOTOO statement ko," anito.

Nilinaw din nito na hindi siya nagsalita upang siraan si DJ Loonyo kung 'di para linawin lamang ang kanyang panig.

Nagpasalamat din si Flores sa mga taong nagpabatid ng suporta para sa kanya matapos ang kanyang "paglantad".

Kasunod ito ng paglabas ng pahayag sa pamamagitan ng isang open letter ng kampo ni DJ Loonyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa tunay na buhay ay isang China-based Filipino choreographer na nakilala sa kanyang paggawa ng mga dance covers sa social media.

Nakilala ang tambalan nila ng aktres na si Ivana Alawi matapos nilang magkasama sa isang YouTube video ng aktres.

Kamakailan lang ay nag-viral ang post ni Toni Fowler tungkol kay DJ Loonyo na may kaugnayan pa rin sa nakaraan nito at ni Aika Flores.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel