Mga tsismosa, maaaring malaki ang tulong sa COVID-19 contact tracing ayon sa pulisya

Mga tsismosa, maaaring malaki ang tulong sa COVID-19 contact tracing ayon sa pulisya

- Sa panahon ngayon, kailangan ng gobyerno ng tulong para mas mapabuti pa ang contact tracing ng COVID-19

- Kaya naman, malaki ang posibilidad na magpatulong na sa tsismoso o tsismosa ang mga pulis sa Central Visayas upang mas mapadali ang contact tracing

- Paliwanag ni PRO-7 Director Albert Ignatius Ferro, responsibilidad ng bawat Pilipino ang COVID-19 kaya dapat ay magtulungan

- Ngayong araw, nasa 72,269 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, posibleng hingiin na rin ng pulisya ang tulong ng mga tsismoso o tsismosa sa contact tracing ng mga pasyenteng may COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang Police Regional Office sa Central Visayas ay posibleng humihingi na ng mga karagdagang impormasyon o detalye sa mga tsismosa.

Mga tsismosa, maaaring malaki ang tulong sa COVID-19 contact tracing ayon sa pulisya

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng The Freeman, sinabi ni PRO-7 Director Albert Ignatius Ferro na kailangan talaga ng gobyerno ang tulong ng publiko ngayon upang paigtingin pa ang contact tracing sa Cebu.

“What do we call this, the tsismoso brigade... they could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we ask you to help us sa atong contact tracing,” aniya.

“Instead na paglibak, naa silay maayong matabang,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Paliwanag ni Ferro, ang health emergency crisis sa bansa ay responsibilidad ng bawat Pilipino kaya dapat ay magtulungan para sugpuin ang COVID-19.

"This health emergency crisis in not only a job or responsibility of the police, of the military, or the local government. This is a responsibility of every single Sugbuanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano, Bisaya, and all the Filipino citizens," sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 72,269 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Samantala, ang active cases naman ay nasa 46,803.

Base sa DOH, maaaring gamitin ang flu at pneumonia vaccine upang maiwasan pa ang karagdagang komplikasyon ng COVID-19.

Samantala, ngayong may COVID-19 crisis pa rin sa bansa ay nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpasa-Diyos na lang ang mga sakripisyo at paghihirap ng mga Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel