68 anyos na sa kalsada nakatira, sapul sa CCTV ang pagnanakaw sa kanya habang tulog

68 anyos na sa kalsada nakatira, sapul sa CCTV ang pagnanakaw sa kanya habang tulog

- Isang matandang naninirahan sa ilalim ng tulay ang ninakawan ng masamang loob kamakailan lang

- Huling-huli sa akto ang pagnanakaw ng lalaki at nasapul nga ito sa CCTV ng barangay

- Agad ding inaresto ng barangay ang lalaki para dalhin sa mga pulis

- Labis na naging emosyonal naman ang matanda dahil sa kakarampot na kita niya na nawala pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasapul sa isang CCTV footage ang pagnanakaw na nangyari sa isang street dweller na natutulog.

Nalaman ng KAMI na ilang beses na palang ninanakawan ng mga masasamang loob si Aling Milagros Bautista.

68 anyos na sa kalsada nakatira, sapul sa CCTV ang pagnanakaw sa kanya habang tulog

Photo from ABS-CBN News
Source: Facebook

Base sa post ng ABS-CBN News, maliit na lang ang kinikita ni Aling Milagros sa pangangalakal, pamamalimos, at pagbebenta ng basahan. Siya ay naninirahan na lang sa ilalim ng tulay sa may Brgy. 138 sa Caloocan City.

Nitong Martes ng gabi ay nahuli na nga sa akto ang lalaking nagnakaw ng bag at wallet niya habang natutulog siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa Facebook video ng GMA News, hindi naging hadlang sa suspek ang edad ni Aling Milagros na 68 upang nakawan niya ito. Makikita nga sa CCTV na ilang beses pang binalikan ng naunang suspek ang matanda upang nakawan ito.

Habang kausap naman ng GMA News team ang mga opisyal ng barangay, muling nahuli sa akto ang isang lalaking nagnanakaw na naman kay Aling Milagros. Sa pagkakataong ito, nahuli na ng barangay ang suspek.

Naiyak naman si Aling Milagros dahil maliit na nga ang kita niya sa pangangalakal at mag-isa na nga lang siya sa buhay ay pagnanakawan pa siya ng mga masasamang loob.

Paliwanag ng suspek, walang-wala na rin daw siya ngayon kaya naisipan niyang nakawan si Aling Milagros nang madaanan niya ito. Dagdag niya pa, hindi rin daw kasi iniingatan ng matanda ang gamit nito.

Agad namang hinuli ng barangay ang suspek upang i-turnover ito sa mga pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa, maraming mga Pinoy nga ang tinamaan ng matinding kahirapan ngayon. Marami rin ang nawalan ng trabaho mula noong ipatupad ang community quarantine.

Sa nakaraang ulat naman ng KAMI, isang modus na pagnanakaw naman sa mga kumakain sa restaurant ang nahuli rin sa isang CCTV footage.

Bukod pa diyan, naiulat din ng KAMI na nasapul sa CCTV footage ang pagnanakaw ng mga kababaihan sa isang grocery store sa Leyte.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel