Mag-asawang walang trabaho, sinikap mabilhan ng bagong computer ang anak para makapag-aral

Mag-asawang walang trabaho, sinikap mabilhan ng bagong computer ang anak para makapag-aral

- Sa tindi ng hirap sa panahon ngayon, sinikap pa rin ng mag-asawang walang trabaho na maitaguyod ang pag-aaral ng anak nila

- Upang mabilhan nila ng bagong computer ang anak nila, humanap sila ng paraan upang maka-ipon ng pera

- Kaya naman saktong sa kaarawan ng anak nila nabigay bilang regalo ang para sa pag-aaral nito

- Pakiusap naman ng tatay, sana ay pagbutihin ng anak nila ang kanyang pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumukaw sa damdamin ng mga netizens ang kwento ng pagmamahal sa pagitan ng magulang at anak nila.

Nalaman ng KAMI na ang isang mag-asawa at nagsikap upang mabilhan ng bagong computer ang anak nila kahit wala silang trabaho ngayon.

Mag-asawang walang trabaho, sinikap mabilhan ng bagong laptop ang anak para makapag-aral

Photo from the Facebook post of Bernadette Reyes
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ni Bernadette Reyes, isang retired machine technician si Gil Marmito at ang asawa naman niya ay isang overseas Filipino worker o OFW sa Dubai. Subalit, nawalan ng trabaho bilang domestic helper ang misis niya dahil sa krisis ng COVID-19.

Kaya naman upang maitaguyod ang pag-aaral ng anak nilang si Sean, nagbenta ng grocery items, softdrinks, at bigas si Tatay Gil. Naka-ipon siya ng P21,000 upang maipambili niya ng bagong computer bilang regalo na rin sa kaarawan ng anak niya.

"Isa akong magulang na napipilitang bumili dahil talagang kailangan ng bata sa eskwela,” ani ni Tatay Gil

“Hindi porke nag-retire ka na hindi ka na kikilos. Kikilos ka pa rin para matugunan ang pangangailangan ng pamilya mo,” dagdag niya pa.

Malayo pa ang kaarawan ni Sean ay nagsimula na silang magtinda upang may ma-ipon para sa regalo nilang computer.

"Anak pag butihin mo ang pag aaral kasi nagsisikap kami ng mommy mo,” sabi ni Tatay Gil.

“Nawa ay 'wag mo kami bibiguin anak, Sean, kasi pinilit namin na mairaos ka, makatapos ka sa iyong pag aaral,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas, marami nga ang nawalan ng trabaho sa bansa, maging ang mga OFW ay apektado rin nito.

Sa naunang balita ng KAMI, isang anak ng mga magsasaka rin ang naitaguyod ang pag-aaral ng kanilang anak. Ngayon, isang ganap na doktor na ang anak nila.

Samantala, sa ibang balita naman, isang ama ang gumawa ng maliit na bahay gamit ang kariton upang may matirahan sila ng anak niya matapos niyang mawalan ng bahay at trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel