Batang nag-viral noong 2017, nakapagtapos matapos dagsain ng tulong

Batang nag-viral noong 2017, nakapagtapos matapos dagsain ng tulong

- Nakapagtapos na sa elementarya ang parking boy na nag-viral noong 2017

- Kinilala itong si Andrey Macabuhay na nakapulot ng wallet na may lamang pera malapit sa isang fast food outlet sa Sta. Maria, Bulacan

- Pero sa halip na pag-interesan ito ay agad na isinauli nito sa may-ari ang napulot na wallet

- Umani ng papuri at paghanga si Andrey mula sa mga netizens na naging daan para makamit ang pangarap na makapagtapos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nagtapos na sa elementarya ang parking boy na nag-viral noong 2017 dahil sa kanyang pagiging tapat.

Kinilala itong si Andrey Macabuhay na hinangaan matapos magsauli ng napulot na wallet na naglalaman ng pera.

Batang nag-viral noong 2017, nakagtapos matapos dagsain ng tulong
Photo from Facebook
Source: Facebook

Pero sa halip na pag-interesan ito ay agad daw niya itong isinauli sa may-ari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa nga nito sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Neil Mateo sa Facebook, nakita raw ni Andrey na noon ay parking boy sa isang fast food outlet sa Sta. Maria sa probinsya ng Bulacan, ang wallet malapit sa isang hagdan.

Nang makita ito ay agad daw nitong tinawag ang lalaking may-ari ng wallet.

Mabilis na kumalat sa social media ang katapatan ni Andrey at umani ng papuri sa marami.

Naging daan naman ito para matulungan si Andrey ng mga taong nagmagandang-loob na pag-aralin siya.

Kamakailan lang ay nagtapos si Andrey sa isang pribadong eskwenlahan batay sa report ng News5.

Mula sa bumubuo ng KAMI, binabati ka namin Andrey sa iyong tagumpay!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na bago para sa ating mga Pinoy ang kwento ng katapatan lalo pa at natural na sa atin ang pagiging matulungin sa kapwa.

Kamakailan lang ay muli na namang nag-viral ang pulis na hinangaan matapos bigyan ng $100 ang isang working student na nasita sa isang checkpoint.

Matapos nito, naispatan muli ito ng isang netizen nang tulungan nito ang isang matandang vendor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone