Pamilya ni Jang Lucero, naniniwalang may alam ang GF nito sa krimen

Pamilya ni Jang Lucero, naniniwalang may alam ang GF nito sa krimen

- Naniniwala ang pamilya ng pinaslang na si Jang Lucero na may kinalaman ang nobya nitong si Meyah Amatorio sa pagkamatay ng dalaga

- Ayon sa ina ng biktima na si Angela Lucero, nalaman daw nila ang umano'y pananakit at panloloko ni Amatorio sa kapatid

- Idinulog ng pamilya Lucero ang reklamo sa NBI na nangakong tutukan ang karumal-dumal na kaso

- Mariin namang itinanggi ni Amatorio ang mga paratang sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naniniwala ang pamilya ng pinaslang na si Jang Lucero na may kinalaman ang nobya nitong si Meyah Amatorio sa brutal na pagkamatay nito.

Batay sa panayam ng GMA News reporter na si John Consulta sa 24 Oras sa ina ng biktima na si Angela Lucero, napag-alaman daw nila ang umano'y pananakit at panloloko ni Amatorio sa dalaga.

Pamilya ni Jang Lucero, naniniwalang may alam ang GF nito sa krimen

Pamilya ni Jang Lucero, naniniwalang may alam ang GF nito sa krimen
Source: Facebook

"Nagtiis 'yung bata, minahal niya ng todo-todo, 'yun pala may... sinaktan niya, sinaktan siya. Ngayon ko lang nalaman lahat iyon na ganyan na, parang niloloko niya si Jang sa relasyon nila," ayon kay Angela Lucero.

"Nakakalungkot. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sa anak mo, hindi ko na ituloy. Kahit palo hindi ko nagawa sa kanya," umiiyak na sabi pa nito.

Idinulog ng pamilya Lucero ang reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) na nangakong tutukan ang karumal-dumal na kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"With the filing of a complaint request for investigation by the sister of Jang Lucero, we will now officially initiate an investigation, and we have directed the chief of Laguna NBI office," ayon kay Atty. Antonio Pagatpat, Deputy Director ng NBI.

Desidido ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso para mapanagot ang mga suspek.

"Ipaglaban ko 'tong nangyari sa kanya. Hindi ako titigil hangga't hindi mahuli 'yung may gawa nito," ani Angela Lucero.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Amatorio ang mga akusasyon sa kanya.

Umiiyak ito sa panayam ng 24 Oras dahil sa umano'y paninira at pagbabanta sa kanila sa social media.

Apektado na rin daw ang kanyang pamilya at sinabing doble ang pagdurusa niya dahil sa pangyayari.

Hindi raw niya inaasahan na maniniwala ang pamilya ng nobya sa mga akusasyon laban sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong June 28.

Ang dating karelasyon ng nobya nitong si Amatorio ang unang itinurong suspek at naaresto pa ng mga pulis matapos makakalap ng mga ebidensiya laban umano dito.

Pero kalaunan ay pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel