Sumunod naman daw! Babae, sugatan dahil sa barrier na kailangang ilagay sa motorsiklo

Sumunod naman daw! Babae, sugatan dahil sa barrier na kailangang ilagay sa motorsiklo

- Isang babae ang nagbahagi ng kanyang kwento matapos maglagay ng barrier sa motorsiklo nila

- Kwento ng babae, sinunod nila ang paglalagay ng barrier sa motorsiklo upang payagang magka-angkas ang mag-asawa

- Subalit, mas takaw aksidente pa raw ito lalo na kapag nalaglag at naging basag-basag

- Panawagan naman ng babae, sana huwag na palagyan ng barrier ang mga motor at iba na lang ang ipagawa ng gobyerno para makaiwas pa rin sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang babae ang kanyang naging karanasan matapos niyang magtamo ng mga sugat dahil sa barrier sa motorsiklo.

Nalaman ng KAMI na matapos sumunod ng mag-asawa sa gobyerno ay sugat naman at aksidente ang nakuha nito.

Sumunod naman daw! Babae, sugatan dahil sa barrier na kailangang ilagay sa motorsiklo

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng page na Cavite muna, pumunta sa Quiapo ang isang mag-asawa upang magdasal at magpasalamat matapos ang ilang buwang mahigpit na community quarantine.

Masaya umano sila dahil sa wakas ay pinayagan nang magka-angkas ang mag-asawa sa motorsiklo basta may barrier ang mga ito.

Subalit, hindi naman inakala ng mag-asawa na aksidente at sugat ang makukuha nila rito.

“On our way pinara kami ng isang official tumabi kami sya mismo nagtanong kung hndi ba kami nahihirapan sa barrier namin sbi namin hndi naman po kase maganda talaga yare hndi nililipad ng hangin hndi hahampas sa mukha ko kaso nakaka panibago ksi above the head ang kelangan,” aniya.

“Paglagpas lang ng hi-top sa may cubao may biker na parang wla sa sarli hndi din kami mblis magpatakbo around 20 lang ang takbo nmin sya ang bglang tumigil at gumitna pa . Napa preno asawa ko hanggang sa dumulas na kami sa buhangin,” dagdag niya pa.

Kwento ng babae, nahirapan huminga ang asawa niya dahil nakasuot pa sa kanya ang barrier na basag-basag.

“Hindi po sya safe pls lang wag na po sana mag barrier again bumili ako nagpagawa ako dhil sumusunod kami sa gusto nyo pero sana makarating to sainyo hndi po kami mamamatay sa semplang pero yung mga basag na piraso na muntik ng sumaksak samin pareho ang ikakamatay namin kung sakali,” sabi niya.

Kaya panawagan ng babae, sana ay jacket, face mask, gloves, at helmet na lang ang ipasuot ng pamahalaan sa mga rider kesa sa barrier.

“Pakinggan nyo kami na sununod naman po sainyo pero di talaga okay sana po jacket facemask gloves helmet nalang tayo maawa naman po sana kayo sa mga rider,” giit niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula noong ipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 ay ipinagbabawal na ang pag-angkas sa motorsiklo.

Kamakailan lang, pumayag na ang Inter-Agency Task Force na umangkas ang mag-asawa pero dapat may barrier ito sa pagitan nila at may katibayang mag-asawa sila.

Nag-viral naman ang mag-asawang magka-angkas dala-dala pa ang kanilang wedding picture na naka-frame bilang katibayan na mag-asawa nga sila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel