Kawawa! Delivery boy, binaril ng sundalo para ipagtanggol ang anak

Kawawa! Delivery boy, binaril ng sundalo para ipagtanggol ang anak

- Tampok sa social media ngayon ang trahedyang nangyari sa isang delivery boy sa Davao City

- Ayon sa balita, binaril ng isang sundalo ang delivery boy na kinutya ang anak niya

- Lumabas naman sa imbestigasyon na noon pa lang ay nagkaroon na ng hidwaan ang delivery boy at sundalo

- Nasa tatlong tama ng bala ang tinamo ng biktima na agad naging sanhi ng pagkamatay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang delivery boy ang binaril umano ng isang sundalo nitong Linggo sa Davao City.

Nalaman ng KAMI na ang krimen ay may kinalaman sa anak ng sundalo.

Kawawa! Delivery boy, binaril ng sundalo para ipagtanggol ang anak

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (isinulat ni Chrislen Bulosan), ang staff sergeant ay nagalit umano sa delivery boy matapos nitong kutyain ang anak niya.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nasa tatlong tama ng bala sa ulo ang nakuha ng biktima na si Ronnel Mabandos, 37 anyos.

"Nagalit ang tatay. Hindi niya napigilan, binaril niya ang biktima," ani Maj. Estrello Ramiso, commander ng Buhangin Police Station sa Davao City.

Subalit, naibalita namang noon pa ay may hidwaan ang sundalo at ang delivery boy. Nagsimula raw ito noon nang muntikan nang mabunggo ng delivery boy ang anak niya dati pa.

Sa ngayon, sumuko na sa pulisya ang sundalong suspek. Sasampahan naman ito ng kaso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang balita ng KAMI, sapul sa video ang isang sundalong nanita sa lalaking hindi nakasuot ng face mask sa loob ng kanilang gate.

Naibalita rin ng KAMI noon na isang sundalo naman ang umani ng papuri matapos niyang bigyan ng libreng face mask ang isang lalaki na naglalakad sa labas.

Ang isang sundalo naman sa Zamboanga City ay muling nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanyang home quarantine.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel