TV5, handang kupkupin ang mga staff ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

TV5, handang kupkupin ang mga staff ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

- Matapos tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN Network, maraming mga empleyado nito ang mawawalan ng trabaho

- Ayon naman sa TV5 Network, handa sila kunin ang ilang mga empleyado ngayong may krisis sa bansa

- Aniya, kung ang mga ito ay willing magtrabaho sa kanila, handa silang magbigay ng offer sa mga ito

- Sa naging pahayag ng ABS-CBN, maraming empleyado nila ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng Agosto 31, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ni TV5 chairman Manuel V. Pangilinan na handa ang TV5 Network Inc. na kunin ang ilang empleyado ng ABS-CBN Network na nawalan ng trabaho ngayong may krisis sa bansa.

Nalaman ng KAMI na kakailanganin ng mas maraming tao ng Kapatid network ngayon dahil nais nitong pausbungin ang kanilang entertainment content creation.

TV5, handang kupkupin ang mga staff ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa ulat ng Philippine Star (isinulat ni Richmond Mercurio), daan-daang empleyado ang kayang kunin ng TV5 ngayon.

“We are revving up our entertainment content creation and will need creatives, talents, directors, scriptwriters, cameramen, etc,” aniya.

“If these are willing and able to work with us, we’re prepared to offer alternative jobs for the relevant displaced workers over time,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang TV5 Network ay pinangungunahan ni Manuel “Manny” V. Pangilinan. Ilan sa mga broadcast assets nito ay ang One Sports channel, News5, Radyo 5, at Fox Filipino.

Kamakailan, naglabas ng pahayag ang ABS-CBN ukol sa mga empleyado nitong mawawalan ng trabaho dahil sa kanilang naudlot na franchise renewal. Sa darating na Agosto 31, 2020, ay opisyal nang wala sa network ang mga mapapatalsik na empleyado.

Isa nga ang beteranang journalist na si Ces Drilon sa mga naunang tanggalon ng ABS-CBN. Nabalita rin na maging ang Rated K host na si Korina Sanchez ay papaalisin na rin sa Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel