Angel Locsin, sinagot ang fan ni Nadine Lustre na bumatikos sa kanya

Angel Locsin, sinagot ang fan ni Nadine Lustre na bumatikos sa kanya

- Matapos ang naging pahayag ni Angel Locsin hinggil sa mga kapwa artistang nanatiling tahimik, ilang artista ang nabatikos

- Ito ay dahil sa reaksiyon ng mga netizens na nakisimpatya sa ipinaglalaban ng mga Kapamilya employees at supporters

- May iilang nagsalita sa pamamagitan ng kanilang social media matapos ang matapang na pahayag ni Angel

- Gayunpaman, mayroong ibang nanatiling tikom ang bibig at hindi na nakialam sa problemang kinakaharap ng TV network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang banat ng isang fan ni Nadine Lustre laban sa kanya hinggil sa umano'y pagtrigger nito ng bashing sa kanilang idolo.

Matatandaang tinawag ni Angel ang pansin ng kanyang kapwa artista na damayan ang mga maliliit na manggagawa na nakatulong umano upang mapasikat ang mga artista ng Kapamilya network.

Matapos ang kanyang matapang na pahayag, may mga artistang naging tampulan ng pambabatikos dahil sa pananahimik nila kaugnay sa isyu.

Kabilang nga dito ang pop star royalty na si Sarah Geronimo. Gayunpaman, nang sumunod na araw, naglabas ng kanilang saloobin ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo at nagpahayag ng suporta para sa kanilang mga kasamahan.

Gayunpaman, natagalan ang tugon at reaksiyon si Nadine Lustre kaya patuloy ang pambabatikos ng ilang haters sa kanya.

Angel Locsin, sinagot ang fan ni Nadine Lustre na bumatikos sa kanya

Angel Locsin (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito ay ipinagtanggol siya ng kanyang mga tagasuporta.

Isang Twitter user na may handle na @Nadine Lustrefan ang naglabas ng saloobin hinggil sa naging pahayag ni Angel Locsin na naging dahilan umano kung bakit nababatikos si Nadine sa social media.

Hindi ito pinalampas ni Angel at pinaalala na wala siyang nais mabatikos na kung sinong artista. Sa katunayan ay ipinagtanggol niya umano si Nadine matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Jobert Sucaldito laban sa aktres.

Angel Locsin, sinupalpal ang fan ni Nadine Lustre kaugnay sa mga pambabatikos sa aktres

Angel Locsin, sinupalpal ang fan ni Nadine Lustre kaugnay sa mga pambabatikos sa aktres
Source: Twitter

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Matatandaang naging laman ng balita ang aktres kamakailan dahil sa kanyang matapang na pahayag sa mga kasamahan niyang artista na nanatiling tahimik kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Hindi din niya napigilang magbigay ng komento hinggil sa pahayag ni Spox Harry Roque hinggil sa donasyon ng ABS-CBN sa panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel