Mga empleyado ng GMA naglabas ng pahayag ukol sa kasamang may COVID-19

Mga empleyado ng GMA naglabas ng pahayag ukol sa kasamang may COVID-19

- Isang pahayag mula sa Talents Association of GMA (TAG) ang inilabas ng grupo kaugnay ng isang empleyado ng GMA na nag-positibo sa COVID-19

- Binatikos nito ang diumano'y “slow response” ng Kapuso network ukol sa isyu

- Nag-demand din ang mga ito na ma-test ang lahat ng empleyado sa newsroom ng kompanya matapos mapag-alamang nag-positibo ang isa sa mga ito

- Agad namang naglabas ng pahayag ang GMA Network para linawin ang kanilang panig sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang matapang na pahayag mula sa grupo ng mga "talent" ng GMA Network, ang Talents Association of GMA (TAG), kaugnay sa isa sa kanila na nag-positibo sa COVID-19.

Ang TAG ay binubuo ng grupo ng mga talent mula sa News at Public Affairs division at lumalaban para sa karapatan ng mga talent bilang empleyado.

Batay sa report ng Rappler (Author, Ralf Rivas) binatikos ng TAG ang diumano'y "slow response" ng Kapuso network ukol dito sa pamamagitan ng isang statement.

Ayon sa statement, nag-positibo sa polymerase chain reaction o PCR test ang isang staff ng newsroom ng GMA.

Mga empleyado ng GMA naglabas ng pahayag ukol sa kasamang may COVID-19

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

"[W]orkers from the GMA News and Public Affairs Department who had close contact with the patient have been notified and advised to go on self-quarantine, while others – as usual – were allegedly kept in the dark until word inadvertently spread," ayon sa TAG.

"There is a clamor among workers for the company to shoulder mandatory rapid testing for all newsroom staff, but so far they have been told that top management has allegedly yet to make an announcement," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil daw dito, naging "traumatizing" para sa mga empleyado ng newsroom ang pangyayari lalo pa at hindi raw alam ng mga ito kung paano makakapagpa-test ngayong umiiral pa rin ang community quarantine.

"This has left untested newsroom staff to figure out how to get and pay for a rapid test on their own, how to take it without breaking quarantine, and how to do it as soon as possible for the welfare of their colleagues and families. It has been a traumatizing last few days for those who have not been tested yet," ayon pa sa statement.

"Many of our colleagues in ABS-CBN are facing uncertainties because of possible retrenchment, and it appears those left in the front lines like GMA Network face greater risks of contracting COVID-19 if slow implementation of safety protocols is not addressed," sabi pa ng TAG sa pahayag.

Samantala, agad namang naglabas ng statement ang GMA Network upang linawin ang kanilang panig kaugnay ng isyu.

Ayon sa GMA, agad daw silang umaksyon matapos malaman ang tungkol sa isa sa kanilang mga empleyado na nag-positibo sa COVID-19.

"GMA immediately took action when an employee informed the Network that she tested positive for COVID-19

"That same night, her permission was secured in compliance with the Data Privacy Act and which she readily gave so contact tracing was done swiftly and thoroughly. Those who had come into direct contact with the COVID positive co-worker were immediately placed on 14-day quarantine with pay. They shall also undergo rapid testing. The work areas were thoroughly disinfected on top of the daily disinfection being done," ayon sa statement ng GMA.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang GMA Network ay isang major national commercial broadcast television at radio network sa Pilipinas.

Una itong umere noong October 29, 1961 at unang nakilala bilang Republic Broadcasting System, GMA Radio-Television Arts at GMA Rainbow Satellite Network.

Samantala, ang batikang manunulat at head writer naman ng network na si Suzette Doctolero ay naging prangka sa pahayag ni Angel Locsin tungkol sa ABS-CBN na unang nakilala bilang Kapuso.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel