COVID survivor na may special needs, kinagiliwan ng frontliners na nag-alaga sa kanya

COVID survivor na may special needs, kinagiliwan ng frontliners na nag-alaga sa kanya

- Marami ang namangha sa kwento ng mag-inang Jarolyn at Vincent Moulder na napaglabanan ang bagsik ng COVID-19

- Nag-viral ang kwento nila dahil sa kakaibang kahilingan ng ina na magkaroon din ng virus upang maalagaan ang kanyang anak na may special needs

- Ngunit ang nakakabilib pa rito ay ang inspirasyong dala ni Vincent sa mga frontliners na nag-alaga sa kanila

- Habang ang mga nurses at doctors ay nagsususmikap na pagaanin ang loob ng mga COVID-19 patient, si Vincent naman ang nagpapasaya at nagpapagaan ng loob nila sa araw-araw nitong pagbati at pasasalamat

- Bilang pasasalamat at pagpapakita ng pagpapahalaga sa kabutihan ni Vincent, sinurpresa nila ito bago tuluyang lisanin ang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang kwento ng mag-inang COVID-19 survivors sa USA na sina Jarolyn at Vincent Moulders.

Nalaman ng KAMI na isang 'person with special needs' si Vincent kaya naman labis ang pag-aalala ni Jarolyn para sa anak na hindi niya masasamahan sa ospital.

Dahil dito, ninais niyang magkaroon din ng virus upang makasama at maalagaan ang anak.

Taliwas sa hiling ng karamihan, natupad ang nais ni Jarolyn na nagpositibo sa COVID-19.

Laking pasalamat niyang mild case lamang siya kaya naman naisakatuparan niya ang pag-aalaga sa kanyang anak.

Ngunit ang isa pang nakamamangha sa kwento ng mag-inang ito ay kung paano hinarap ni Vincent ang hirap ng pagkakaroon ng COVID-19.

Kwento ng isa sa kanyang mga naging nurse na si Michelle Hawkins, nakakabilib ang katatagang pinakita ni Vincent.

Kahit alam nilang nahihirapan na ito sa kanyang kalagayan, nagagawa pa rin niyang magpasalamat sa mga tumitingin at nag-aalaga sa kanilang nurses at doctors.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Most people when they're sick, I mean it's our nature to be kinda whiny"
"As a nurse, we try to lift those people up"
"But with Vincent, when the nurses would come in, he would be like you know, I am praying for you today, and I love you," pagbabahagi ng nurse.

Kaya naman bilang pasasalamat sa kabutihan ni Vincent na siyang nagpapalakas ng loob nila, sinurpresa nila ito bago ito umuwi at gumaling na sa COVID-19.

Maging ang inang si Jarolyn ay naantig sa munting handog ng mga frontliners sa kanila ni Vincent at labis din silang nagpapasalamat sa mga ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa programang "Juan Love: Pag-ibig sa panahon ng pandemya":

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi biro ang naging laban nina Jarolyn at Vincent, ngunit kahit na paano'y mapalad sila at magkasama nila itong hinarap at naipanalo.

Mahigpit kasing ipinagbabawal na samahan ang mga pasyenteng may COVID-19 kahit pa ito ay sanggol o maging ang may mga edad na.

Sadyang kahanga-hanga ang kwento ng pagmamahalan ng mag-inang sina Jarolyn at Vincent. Dahil sa pagmamahal na ito, naibabahagi rin ng anak ang kabutihan at pag-ibig na kanyang nadarama mula sa kanyang ina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel