Matteo Guidicelli, nagbahagi ng mensahe ng pagsuporta para sa ABS-CBN

Matteo Guidicelli, nagbahagi ng mensahe ng pagsuporta para sa ABS-CBN

- Matapos ang inabot na pambabatikos, binasag na rin ni Matteo Guidicelli ang kanyang pananahimik hinggil sa isyu ng ABS-CBN franchise

- Sa isang Instagram post ay nakisimpatya ang aktor sa mga nawalan ng trabaho matapos tuluyang ibasura ang pag renew ng franchise nito

- Aniya, nagsindi sila ng kandila upang ipagdasal ang lahat ng empleyado na nawalan ng trabaho

- Ang kanyang asawang si Sarah Geronimo ay nagbahagi rin ng kanyang mensahe matapos mabatikos ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pakikisimpatya at pagsuporta ang mensaheng ibinahagi ng aktor na si Matteo Guidicelli para sa mga Kapamilya employees. Aniya, ilan sa mga nawalan ng trabaho ay malapit sa kanya kaya pinagdasal nila ang mga ito.

Matteo Guidicelli, nagbahagi ng mensahe ng pagsuporta para sa ABS-CBN

Matteo Guidicelli's Instagram
Source: Instagram

"We lit a candle last night. Took a moment and prayed for each and every employee some of which are close to my heart from the years we spent together. Hold on tight, we will rise again," aniya sa caption ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang isang litrato ng nakasinding kandila.

Matatandaang dinaluhan ng maraming Kapamilya employees at supporters ng ABS-CBN ang noise barrage na isinagawa sa ABS-CBN compound nito lamang Sabado.

Dito ay buong tapang na sinupalpal ng Kapamilya aktres na si Angel Locsin ang kanyang kapwa artista sa ABS-CBN na nanatiling tahimik sa gitna ng problemang kinakaharap ng TV network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinuwestiyon ni Locsin ang pananahimik ng ibang artista dahil hindi umano nila nadadamayan ang maliliit na manggagawa na naging dahilan ng pagsikat nila.

Matapos lumabas ang kanyang kontrobersiyal na pahayag, isa-isa nang nagpahayag ng kanilang saloobin ang mga Kapamilya stars kabilang na ang mag-asawang Matteo at Sarah.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang nabatikos si Sarah kaugnay sa isyu ngunit buong-buo ang suportang ibinigay ng kanyang mga tagasuporta kaya nag-trending sa Twitter ang mensahe ng suporta ng mga Popsters.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Kamakailan ay nagsagawa ng noise barrage ang mga Kapamilya supporters at employees. Dito inilabas ni Angel Locsin ang kanyang masidhing damdamin upang himukin ang mga kasamahang artista na damayan ang ibang mga empleyado ng ABS-CBN.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel