Sarah Geronimo, nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa ABS-CBN franchise issue

Sarah Geronimo, nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa ABS-CBN franchise issue

- Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Sarah Geronimo hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

- Ito ay matapos siyang mag trending sa social media dahil sa pambabatikos ng ilang netizens dahil sa kanyang pananahimik

- Hindi naman siya hinayaan ng kanyang mga tagasuporta na nagpakita ng kanilang suporta sa aktres

- Matatandaang sinupalpal ni Angel Locsin ang mga kapwa niya artistang nanatiling tahimik sa gitna ng kinakaharap ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sarah Geronimo ang kanyang saloobin hinggil sa ABS-CBN franchise renewal. Ito ang unang pagkakataon na direktang nagsalita ang popstar hinggil sa isyu.

Matatandaang umingay ang pangalan ng Pop star matapos siyang mabatikos ng mga netizens hinggil sa pananahimik nito.

Sarah Geronimo, nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa ABS-CBN franchise issue

Sarah Geronimo (Photo from Flickr)
Source: UGC

Sa isang Instagram post, nilinaw ni Sarah na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN na sumugal at sumuporta sa kanya.

“Ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses ma sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inaalagaan mang husto na parang kanilang sariling ‘anak’ o homegrown talent."

Patuloy pa rin umano siyang nagdarasal na sana ay maibalik ang ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Bagamat napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon."

Nanawagan din si Sarah na magkaisa ang mga Kapamilya.

“Magtulungan po tayo. ‘Wag po tayo magwatak-watak. Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho. Nakikiisa po ako sa aking apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makakapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa. Magkaisa po tayo para sa ating mahal na bansang Pilipinas. Magkaisa po tayo. Magkaisa po tayo para sa ‘ting kapwa.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Matapos ang isinagawang noise barrage ng supporters ng ABS-CBN nitong Sabado, trending si Sarah sa Twitter matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga fans.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel