"Walang-wala" statement ni Angel Locsin, pinalagan ng 1 GMA writer

"Walang-wala" statement ni Angel Locsin, pinalagan ng 1 GMA writer

- Hindi na napigilan pa ng batikang writer ng GMA Network na si Suzette Severo Doctolero ang maglabas ng kanyang sa loobin patungkol sa aktres na si Angel Locsin

- Kasunod ito ng pahayag ni Locsin tungkol sa ABS-CBN na tumulong daw sa kanya noong mga panahong "walang-wala ang kanyang pamilya"

- Ayon kay Docotolero, malaki ang kinita ni Locsin bilang aktres ng GMA Network at malaki ang net worth noong lumipat ito sa Dos

- Naging laman ng balita si Locsin dahil sa kanyang matapang napaninindigan para sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na napigilan pa ng batikang manunulat ng GMA Network na si Suzette Severo Doctolero ang maglabas ng kanyang saloobin patungkol sa aktres na si Angel Locsin.

Sa isang Facebook post nito, binatikos ni Doctolero ang naging pahayag ni Locsin tungkol sa ABS-CBN na tumulong daw sa kanya noong mga panahong "walang-wala ang kanyang pamilya".

"Walang-wala" statement ni Angel Locsin, binara ng 1 GMA writer

Angel Locsin and BF Neil Arce; photo from Angel Locsin official FB page
Source: Facebook

"Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko," ayon kay Locsin batay sa kanyang official Facebook page na sa kasalukuyan ay burado na.

Matatandaang lumipat si Locsin sa ABS-CBN noong 2007 matapos ang ilang taon nitong pagiging primetime star sa Kapuso network.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa FB post ni Doctolero, sinabi nitong malaki ang kinita ni Locsin bilang aktres ng GMA at malaki rin daw ang net worth nito noong lumipat sa Dos.

"A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka.

"Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right? pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh.

"But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna.

"Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?" ayon sa writer.

Naging laman ng balita si Locsin dahil sa kanyang matapang napaninindigan para sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala bilang Angel Locsin ay isang Filipina actress.

Ilan sa mga sumikat at talaga namang 'di makakalimutang proyekto nito sa GMA Network ay ang Mulawin at Darna.

Isa si Angel sa mga artistang patuloy na naninindigan at hinahangaan ng marami dahil sa kanyang pagtatanggol sa ABS-CBN.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel