Babae, viral sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta

Babae, viral sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta

- Isang ale ang nag-viral kamakailan sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta

- Marami ang napabilib sa angkin niyang talento sa kabila ng kanyang kalagayan sa buhay

- Agad na umani ng papuri ang husay niya sa pagkanta pati na rin ang kanyang pagbigkas sa mga salitang Ingles

- Umabot na sa halos 6,000 ang shares ng video ng kanyang pagkanta na ibinahagi sa Facebook ng isang netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ale ang viral ngayon sa social media matapos mapansin ng mga netizens ang angkin nitong talento sa pagkanta sa kabila ng katayuan nito sa buhay.

Sa dalawang video na ibinahagi ng Facebook user na si Mark Salcedo, marami ang napabilib sa isang babaeng tinawag niya sa pangalang "Salay."

Hindi man malinaw kung ano ang katayuan nito sa buhay, makikita sa kanyang bihis na tila wala itong bahay na tinutuluyan.

Tuwang-tuwa ito nang bigyan ng pagkain ng taong kumukuha ng video kaya napapayag na kumanta.

Babae, viral sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta

Photo by Christian Charisius/picture alliance via Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinanta niya ang awiting "Torn" ng mang-aawit na si Natalie Imbruglia. Isang Facebook user naman ang nag-iwan ng komento na nagsasabing kilala niya ang babae at pinsan niya umano ito.

Matagal na umano nila itong hinahanap matapos niyang mabinat sa panganganak at namatayan ng ama.

Babae, viral sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta

Babae, viral sa social media dahil sa kanyang husay sa pagkanta
Source: Facebook

Dahil sa nangyari sa kanya, nagka depressionn umano ito. Malaki ang pasasalamat ng pamilya niya na nakita nila ito sa viral post na ibinhagi ng Mark.

Narito naman ang mga komento ng netizens hinggil sa video na ito:

Galing nya :) Sayang yung talent nya... sana magtrend to ng makilala pa sya ^^
grabe! kinilabutan ako :)) galing sana matulungan sya.
Netizen: “Don’t judge the book by its cover.. Ang galing nya! Pati diction at pronunciation pak na pak!

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 1,000 reactions at 5,800 shares ang nasabing video. Marami ang unti-unting nakikilala sa kanilang talento at galing sa pamamagitan ng social media.

Sa katunayan, isang katutubo ang nag-viral din kamakailan dahil sa kanyang husay sa pagkanta. Maging ang sumikat na singer na si Lyca Gairanod ay nagkaroon ng viral na video noong siya ay hindi pa kilala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel