Abogado ni Catriona Gray, may pahayag na ukol sa malisyong larawan ng beauty queen

Abogado ni Catriona Gray, may pahayag na ukol sa malisyong larawan ng beauty queen

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Catriona Gray ukol sa kumakalat na malisyosong larawan di umano ng beauty queen

- Nilinaw nitong peke at edited lamang umano ang larawan at walang katotohanang si Catriona ito

- Sisiguraduhin din ng kampo ni ng Miss Universe 2018 na mananagot sa batas ang sinomang nasa likod ng malisyosong gawaing ito

- Sinasabing ang naturang larawan ay nakuha sa isang video shoot ng ineendorso ng beauty queen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Abogado ni Catriona Gray, nagsalita na ukol sa kumakalat malisyosong larawan nito online

Catriona Gray (Photo Source: Google Images)
Source: Facebook

Nagsalita na ang legal counsel ni Catriona Gray na si Atty. Joji Alonso kaugnay na mga malisyosong larawan ng beauty queen na kumakalat online.

Nalaman ng KAMI na panibagong kontrobersya na naman ang kinahaharap ni Miss Universe 2018 dahil sa mga larawang ito na pilit na dumudungis sa maganda niyang imahe.

Ayon sa abogado ni Ms. Gray, walang katotohanan na magagawa ni Catriona ang mga nasa larawan at maliwanag na "fake at digitally aletered" ang mga ito.

Sinabi rin ni Atty. Alonso na mananagot sa batas ang sinomang nasa likod ng mapanirang gawaing ito laban sa beauty queen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Base sa ulat ng CinemaBravo, nahinuha ang larawan sa isang Bench advertisement na ginawa ni Catriona kung saan isa siya sa mga endorsers. Makikita ang naturang video na ito sa YouTube kaya madaling makukuha ninoman.

“You need [to] check out the YouTube link of Catriona Gray’s Bench ad,"

"There is already so much injustice happening these days. Now some people want to add to it by maligning an innocent soul,” pahayag ni Atty. Alonso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila sunod-sunod ang kontrobersyang kinahaharap ng beauty queen. Kamaikailan, ay naiugnay ang kanyang pangalan sa mga Instagram post ng kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.

Namagitan na ang kanyang inang si Mita Gray na nagsalita na rin ukol sa isyu.

Gayunpaman, tila nananatiling positibo sa lahat ng nangyayaring ito ang beauty queen kung saan inilabas pa nila ng kanya ngayong boyfriend na si Sam Milby ang music video ng kanilang collaboration na 'We’re In This Together.'

Sa unang pagkakataon, makikita si Catriona na kumakanta habang si Sam naman ang tumutugtog ng gitara.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel