Tagasuporta ni Sarah Geronimo, umalma sa mga komento laban sa Popstar

Tagasuporta ni Sarah Geronimo, umalma sa mga komento laban sa Popstar

- Agad na usap-usapan sa social media ang mga artistang hindi masyadong nagsasalita kaugnay sa pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN

- Ito ay matapos kwestiyunin ni Angel Locsin ang pananahimik ng kapwa niya mga artista sa gitna ng kanilang kalagayan

- Sinabi din ni Angel na dahil sa kanilang pananahimik ay hindi nadadamayan ng mga ito ang mga taong tumulong upang sumikat ang mga artista

- Walang humpay na ipinagtanggol ng mga Pop star supporters ang kanilang idolo matapos itong batikusin sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending sa Twitter si Sarah Geronimo matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga fans laban sa mga netizens na bumatikos sa kanya kaugnay ng kanyang pagiging tahimik kaugnay sa kinakaharap na laban ng ABS-CBN.

Nagsimulang umingay ang ilang netizens kaugnay sa isyu nang magsalita si Angel Locsin laban sa kanyang kapwa artista na tahimik lamang sa kabila ng mga nangyari.

Depensa naman ng mga tagasuporta ni Sarah, hindi mahilig sa social media si Sarah kaya wala siyang masyadong komento hinggil dito na idinaan sa social media.

Tagasuporta ni Sarah Geronimo, umalma sa mga komento laban sa Popstar

Sarah Geronimo (Photo from Flickr)
Source: UGC

Mayroon din namang nagsasabing, hindiugali ng pop star na makipag diskusyon at makipag-away kaya tahimik lamang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Tingnan mo tong mga supporters ng ABS, walang respeto sa opinion at desisyon ng iba. ano naman kung ayaw magsalita ng iba? Kaya hindi sila makahikayat ng enough number ng tao para suportahan sila e, wala kasi respeto sa opinyon ng iba. kaya tuloy gang ngayun di nila makuha sympathy ng middle class. gang ngayun wala pa din ako nakikita na nagiingay sa facebook para suportahan sila, puro deadma, dito lang maingay sa twitter na puro fantard ng artista.
Freedom of expression also means the right to choose to be silent. Just because she's silent doesn't mean she's not doing anything. She's keeping the network alive with ASAP.
Sarah has been like that, tahimik at hindi lumalaban. Ganyan kc sya pinalaki ng magulang— dapat sunod ka lang sa utos. Kaya nga ang tagal bago sya nakawala. Pero matanda na sya - dapat may malasakit sya sa network na nagbigay sa kanya ng malaking salapi at kaginhawahan sa buhay. May time para tumahimik at may time din para magbigay malasakit.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Kahit nasa ilalim siya ng Viva artist management, napapanood siya sa Kapamilya Network kaya apektado siya sa pagsasara ng ABS-CBN.

Trending din ang kanyang performance kamakailan sa ASAP.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel