Jinkee Pacquiao, muling nagbahagi ng picture ng mga kontrobersyal na mamahaling bikes

Jinkee Pacquiao, muling nagbahagi ng picture ng mga kontrobersyal na mamahaling bikes

- Matapos ang kontrobersiyang kinaharap kaugnay sa mga naging reaksiyon ng mga netizens sa kanyang post, hindi nagpaapekto si Jinkee Pacquiao

- Muli niyang ibinahagi sa social media ang larawan ng mga mamahaling bisekleta

- Matatandaang pinuna ng aktres na si Agot Isidro ang kanyang pagpost nito at inilarawan ito bilang insensitive

- Sa kabila ng kanyang sinabi, nanatiling tahimik ang maybahay ni Manny Pacquiao kaugnay sa nasabing isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang litrato ng kanilang mamahaling bikes sa social media. Ito ay sa kabila ng samu't-saring mga reaksiyon mula sa netizens.

Matatandaang pinuna ng aktres na si Agot Isidro ang pagbahagi ni Jinkee ng litrato ng luxurious bikes at inilarawan itong insensitive dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng maraming mga tao.

Jinkee Pacquiao, muling nagbahagi ng picture ng mga kontrobersyal na mamahaling bikes

Jeoffrey Maitem / Stringer via Getty Images
Source: Getty Images

May mga sumang-ayon sa Kapamilya actress at mayroon din namang kumampi sa maybahay ni Manny Pacquiao.

Sa kabila nito, hindi diretsahang sumagot si Jinkee sa naging pahayag ng aktres. Positibo pa rin ang mensaheng kanyang ibinahagi kagaya na lamang ng mga Bible verses.

Nitong Biyernes, July 17, muling ibinahagi ni Jinkee ang larawan ng dalawang bike sa kanyang Instagram Stories. Sa kanyang ibinahaging larawan, makikita si Senator Manny na nakatayo sa tabi ng mga bike.

Jinkee Pacquiao, muling nagbahagi ng picture ng mga kontrobersyal na mamahaling bikes

Jinkee Pacquiao
Source: Instagram

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Itinuon niya ang kanyang atensyon sa boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbabalik probinsiya ng mag-anak kung saan ipinakita ni Jinkee sa kanyang mga anak ang lugar kung saan siya lumaki.

Sa kanilang pamamasyal isang kalabaw ang kanilang sinakyan imbes na ang kanilang nakasanayang mamahaling sasakyan.

POPULAR: Read more about Jinkee Pacquiao here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel