Mariel Padilla, nakisimpatya para sa mga Kapamilyang nawalan ng trabaho

Mariel Padilla, nakisimpatya para sa mga Kapamilyang nawalan ng trabaho

- Hindi man hayagang nagsalita ng kanyang suporta sa kanyang kasamahan sa ABS-CBN, nagpakita ng pakikipagsimpatya si Mariel Padilla

- Kagaya ng mga kasamahan niya sa noontime show na It's Showtime, nagsindi ng kandila si Mariel na kanyang ibinahagi sa kanyang IG Story

- Ang kanyang asawang si Robin Padilla ay isa sa mga personalidad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Nauna nang inihayag ng Malacañang na neutral umano ang pangulo sa usapin tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang nagtitipon ang mga supporters ng ABS-CBN kasama na ang mga empleyado at ilang artista sa ABS-CBN compound, nagpakita ng pakikisimpatya ang ilan sa mga Kapamilya artists.

Hindi man hayagang nagsasalita hinggil sa isyu ang Kapamilya star at It's Showtime host na si Mariel Padilla, ibinahagi niya ang larawan ng kandila na may tatlong nakailaw na mitsa na sumisimbolo sa kanyang pakikisimpatya sa pinagdadaanan ng ABS-CBN.

Mariel Padilla, nakisimpatya para sa mga Kapamilyang nawalan ng trabaho

Photo from Mariel Padilla's Instagram
Source: Instagram

Gayundin, nakisimpatya ang ilang mga kasamahan niya sa noontime show na sina Amy Perez, Karylle Padilla, Vice Ganda at Ryan Bang.

Ang kanyang asawang si Robin Padilla ay kilalang tagasuporta ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang beses na itong naghayag ng kanyang saloobin hinggil sa isyu ng ABS-CBN.

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago pa manganak si Mariel, pansamantala itong nagpahinga sa pagho-host sa It's Showtime noong August 2019. Sa kasalukuyan, gumagawa siya ng mga YouTube videos kung saan ibinabahagi niya ang ilang mga updates sa kanyang buhay bilang nanay sa kanyang dalawang anak at bilang asawa.

Sa isa niyang video, kinaaliwan ng mga netizens ang pakikipagpalit nito sa kanyang kasambahay sa loob ng isang araw.

Ibinahagi niya rin ang naging pagdiriwang nila sa ika-anim na buwan ng kanyang pangalawang anak na si Gabriela.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

POPULAR: Read more about Mariel Padilla here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel