Alex Gonzaga at kanyang pamilya, dumalo sa noise barrage para sa ABS-CBN

Alex Gonzaga at kanyang pamilya, dumalo sa noise barrage para sa ABS-CBN

- Dumalo si Alex Gonzaga at ang kanyang pamilya sa isinagawang noise barrage ngayong araw ng Sabado

- Ito ay upang ipakita ang kanilang suporta sa Kapamilya network matapos tuluyan nang ibasura ang franchise renewal nito

- Nagbigay ng kanyang pahayag ang actress/vlogger sa mga supporters na dumalo sa pagtitipon

- Matatandaang nakaranas ng pambabatikos ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga dahil sila umano ay DDS

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Alex Gonzaga at ng kanyang pamilya ang kanilang suporta para sa ABS-CBN. Dumalo sila sa isang noise barrage na isinagawa ngayong Sabado.

Nagbahagi ang actress/ vlogger ng kanyang mensahe para sa lahat ng Kapamilya na dumalo sa nasabing noise barrage. Ibinahagi niya sa Twitter ang video ng kanyang pagbibigay ng mensahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Alex Gonzaga at kanyang pamilya, dumalo sa noise barrage para sa ABS-CBN

Photo from Flickr
Source: UGC

"Naiiyak ako habang nagsasalita pero pinigilan ko dahil lahat ng kapamilya na naroon ay pinipilit maging malakas at matatag sa laban na to. Sabihin nyo na kung ano gusto nyo sabihin pero kasama kami buong pamilya sa sigaw at panawagan na #IbalikAngAbsCbn," aniya sa caption ng kanyang video na ibinahagi sa Twitter.

Matatandaang binatikos ang mgakapatid na Gonzaga dahil DDS umano sila o taga-suporta ng Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman, marami sa mga tagasuporta ni Alex ang nagbahagi ng kanilang pasasalamat para sa pagdalo nina Alex:

Hi ate Cath. Sobra akong naiiyak habang binabasa ang mga tweets mo. Sobrang nakakapanghina. Nakakapanlumo. Nakakaiyak. Kasama niyo kami sa panawagan at panalangin niyong #IbalikAngABSCBN
Always proud of you. We are all in this together!! Lalaban tayo hanggang dulo!! Thank you for always fighting for our kapamilyas!! I love you @Mscathygonzaga #IbalikAngAbsCbnHndi lang 11,000 na empleyado ng abs cbn ang pinaglalaban nyo @Mscathygonzaga, kundi pati na rin ang milyong milyong pilipino na minamahal at sinosoportahan ang ABS-CBN

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Ibinahagi ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Hindi din napigilang mag-react ni Alex sa sinabi ng isang netizen na malapit ang kaniyang pamilya sa mga Marcos.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel