Angel Locsin, sinupalpal ang mga kasamahang tahimik sa isyu ng ABS-CBN franchise

Angel Locsin, sinupalpal ang mga kasamahang tahimik sa isyu ng ABS-CBN franchise

- Hindi napigilan ni Angel Locsin na pagsalitaan ang kanyang kapwa artista

- Ito ay kaugnay sa pananahimik ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa kabila ng nangyari sa kanilang network

- Buong tapang na tinanong ni Angel ang ibang kasamahan kung mananatili na lang ba silang tahimik

- Ito ay kanyang sinabi sa pagtitipon ng mga supporters sa harap ng ABS-CBN upang ihayag ang kanilang pagtutol sa pagbabasura ng franchise renewal ng TV network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na napigilan ni Angel Locsin ang bugso ng kanyang damdamin habang nagbibigay ng talumpati sa ginawang noise barrage ng mga supporters ng ABS-CBN nitong Sabado.

Buong tapang na tinanong ng aktres ang kanyang mga kapwa artistang nanatiling tahimik sa kabila ng pagpapasara ng kanilang TV network.

Sa isang video na ibinahagi ng showbiz reporter na si MJ Felipe, makikita ang bahagi ng talumpati ng aktres.

Angel Locsin, sinupalpal ang mga kasamahang tahimik sa isyu ng ABS-CBN franchise

Angel Locsin
Source: Instagram

"Yung mga kasamahan kong artista, na hindi pa rin nagsasalita. Ano tatahimik na lang kayo? Wala na kayong network? Ano magpapacute na lang kayo sa Instagram?" aniya na sinundan ng malakas na hiyawan ng mga taong dumalo sa nasabing noise barrage.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang si Angel sa ilang mga Kapamilya stars na patuloy na nagbabahagi ng kanilang saloobin at suporta sa ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga tagasuporta ng ABS-CBN:

Ay my point c miss angel..asan n nga ba mga artista sa dami niyo iilan lang kyo nkikita oero sa mga post sa ig twitter etc andon laht ang mga face niyo...nfyon niyo oakita support niyo sa tahanan niyo
Totoo naman. Somehow yung mga active sa social media pero ngayon nga nga. Wag si sarah kasi wala, di tlga ma soc med un. Pero yung iba na puro ig ig lang, wala yan.
Naiiyak ako sana lahat kasing tapang ni Darna @143redangel ,may mga iilang bahag ang buntot,mga bulag pipi at bingi

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce. Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Ilan sa mga dumalo sa noise barrage nitong Sabado ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ABS-CBN News chief Ging Reyes, ABS-CBN CEO/President Carlo Katigbak, at marami pang iba.

Samantala, matapos ng kanyang pananahimik, nagsalita na rin si Toni Gonzaga kaugnay sa isyu.

Ibinahagi naman ng aktres na si Nikki Valdez ang kanyang saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN na nangangahulugang maaring mawalan ng trabaho ang kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel