Video ng katutubong Aeta na mahusay umawit, may 3.4 million views na

Video ng katutubong Aeta na mahusay umawit, may 3.4 million views na

- Marami ang namangha sa video ng isang Aeta na magaling kumanta

- Nakilala ang katutubo na si Rosanna na natuklasang mayroon itong ginintuang boses

- Pinaunlakan niya ang isang programa ng mga Pulis ng rendition niya ng kantang 'Maybe This Time'

- Umabot na sa mahigit 3 million ang views ng naturang video na umani rin ng papuri sa maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng katutubong Aeta na mahusay umawit, may 3.4 million views na

Si Rosanna habang kumakanta ng "Maybe This Time" Source: Music Life Facebook
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang video ng isang katutubong Aeta na nagpamalas ng kanyang husay sa pag-awit.

Nalaman ng KAMI na kababayan nating ito sa Barangay Planas, Porac Pampanga.

Pinaunlakan ng katutubong nakilalang si Rosanna ang isang programa ng mga kapulisan sa lugar ng isang awitin.

Sa umpisa, bakas ang kaba sa mukha ni Rosanna ngunit nang masimulan na niya ang awiting "Maybe this Time" na orihinal na kinanta ni Michael Murphy at kinanta rin ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mahusay ang pagkakakanta ni Rosanna at maayos din niyang nabibigkas ang bawat lyrics ng kanta.

Maging ang matataas na bahagi ng kanta ay kayang-kaya niyang abutin kaya naman labis siyang pinalakpakan nang matapos ang awitin.

Natuwa ang mga netizens na nakapanood ng video at hiling nilang makakanta si Rosanna sa isang programa sa telebisyon upang maipakita sa mas maraming tao ang kahusayan nito sa pag-awit.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Wala talagang pinipili ang talent gift from God nice po ma'am galing po"
"Gods Gift ang boses niya sarap pakinggan"
"Sana mapanood din natin siya sa TV, ang galing ni Ate!"
"Walang kahirap-hirap! ang galing kumanta grabe kasi doon sa mataas na part"
"Dapat pinasasali rin sila sa mga singing contest sa tv. pwede pa siyang manalo sa galing"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ng Music Life:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na maging ang ating mga kababayan nating Aeta ay nagpapamalas din ng talentong kanilang taglay.

Nangangahulungan lamang na hindi dapat maging hadlang ang kanilang estado sa pamayanan sa pag-abot ng mga nais nilang marating sa buhay lalo na kung may angking galing at talino naman silang dapat payabungin.

Tulad ng isa rin nating kababayang Manobo na double degree holder na ngayon. Nakapagtapos na siya ng nursing ngunit dahil sa nakikita niya ang tindi ng pangangailangan ng pagkakaroon ng doktor sa lugar, sinikap niyang makatapos din ng medisina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel