"Attack on Titan" actor na si Haruma Miura, pumanaw na sa edad na 30

"Attack on Titan" actor na si Haruma Miura, pumanaw na sa edad na 30

- Natagpuang walang buhay sa kanyang bahay sa Tokyo ang aktor na si Haruma Miura

- Agad isinugod sa ospital ang "Attack on Titan" actor nitong Sabado ngunit hindi na ito na-revive

- Pinasok niya ang mundo ng showbiz sa bansang Japan noong siya ay 7 taong gulang pa lamang

- Ikinalungkot ng kanyang mga tagahanga sa iba't-ibang panig ng daigdig ang kanyang pagpanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nabigla sa balita tungkol sa pagpanaw ng Japanese actor na si Haruma Miura. Natagpuan umano ang aktor na walang malay sa kanyang bahay sa Tokyo nitong Sabado.

Ayon pa sa ulat ng Koreaboo, hindi pa kumpirmado ang dahilan ng kanyang pagpanaw. Agad siyang isinugod sa malapit na ospital nang matagpuan siya sa kanyang tahanan ngunit hindi na siya na-revive.

Nakatakda sana siyang dumalo sa isang meeting ngayong araw ngunit hindi siya nakarating kaya isang official umano ang pumunta sa bahay niya at dinatnan niya ang aktor na wala nanag malay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isinilang si Haruma noong 1990 at naging aktor sa murang edad na 7 taong gulang. Nakilala siya ng marami sa kanyang pagganap sa movie adaptation ng sikat na anime series sa Japan na anime Attack on Titan.

"Attack on Titan" actor na si Haruma Miura, pumanaw na sa edad na 30

The Chosunilbo JNS/Imazins via Getty Images
Source: Getty Images

Nakilala din siya ng K-Pop fans dahil sa pagiging malapit sa miyembro ng EXO na si Chanyeol. Isa din umano itong tagahanga ng BTS.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito naman ang reaksiyon ng kanyang mga tagahanga:

Gusto ko tong actor na to dahil sa Attack on titan!!!!! What happened ?
Seryoso ba?? favorite actor ko to sa japan eh
I have loved him since Koizora. He's one of the actors I really admire. May you rest in peace, my firs Hero
Omg bukod kay Jun Matsumoto sya lang yung kilala kong Japanese Actor
I love his acting from Bloody Monday and Last Cinderella :( Haruma

Marami sa mga pagpanaw ng mga artista at personalidad ang naiulat nitong taon lamang. Ilan sa mga pumanaw na K-pop celebrities nitong taon lamang ay sina Yohan ng TST group at Go Soo Jung.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel