Paolo Contis, sobrang ikinalungkot na mawawalay pansamantala sa pamilya

Paolo Contis, sobrang ikinalungkot na mawawalay pansamantala sa pamilya

- Hindi napigilan ni Paolo Contis ang malungkot dahil sa pagkakawalay sa kanyang pamilya

- Ito ay dahil sa pagbabalik niya sa trabaho kung saan kinailangan niyang manatili sa lugar ng kanyang trabaho

- Sa pamamagitan ng video calls ay nakakausap niya pa rin sina LJ Reyes at ang kanilang anak na si Summer

- Pagkauwi niya ay hindi pa rin siya pwedeng lumapit sa kanila dahil kailangan niyang mag-isolate upang makasigurado para sa kaligtasan ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang maging emosyonal nang iwan niya pansamantala ang kanyang pamilya upang makapag-shoot.

Isang linggo ang itinagal ng kanyang shooting.

Habang nasa loob ng kotse, ibinahagi ng aktor ang kanyang naramdaman nang kinailangan niyang mahiwalay sa kanila matapos ang tatlong buwan. “Hindi ko na-anticipate 'yung lungkot."

Paolo Contis, sobrang ikinalungkot na mawawalay pansamantala sa pamilya

Paolo Contis
Source: Instagram

“Medyo iba episode natin ngayon. Kung napapansin niyo, hindi kami magkasama ni LJ, nasa kotse ako,” pagpapaliwanang niya sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Kadalasang kasama niya si LJ Reyes at ang kanilang anak na si Summer at si Aki.

“After a long time, I have to go back to work, medyo matagal, one week akong mawawala, one week ko silang hindi makakasama," pagbabahagi niya.

Habang pinipigil ang namumuong luha, ibinahagi niya ang kanyang saloobin, “The moment I left the house kanina, medyo hindi ko na-anticipate 'yung lungkot.'

Ipinakita din niya na lahat sa kaniyang mga kasama ay nakasuot ng PPE.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang isang linggong taping ay umuwi ang aktor sa kanilang tahanan. Gayunpaman, aniya, hindi pa rin niya malalapitan o mayayakap ang kaniyang pamilya dahil magse-self-isolate siya para masigurado ang kaligtasan nila.

“8 days akong nawala for a shoot. I'm home na (4 days na) pero naka-isolate pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapitan, mayakap, mahalikan, o mahawak man lang,” aniya sa isang Instagram post.

“I'm just making sure siyempre na safe at wala akong nauwing sakit.”

Sa tinatawag na bagong normal, kadalasang "locked-in taping" ang solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 kahit sa mga artista at mga taong kanilang nakaktrabaho sa likod ng camera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng youth-oriented show na "Ang TV."

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Larawan ng isang proud at protective na ama ang aktor sa kanilang anak na si Summer. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel