Ina ng COVID-19 patient, hiniling na magkaroon din siya ng virus upang maalagaan ang anak

Ina ng COVID-19 patient, hiniling na magkaroon din siya ng virus upang maalagaan ang anak

- Hiniling ng inang si Jarolyn na magkaroon din siya ng COVID-19 matapos na tamaan ng virus ang kanyang anak

- Isang person with special needs ang anak ni Jarolyn kaya labis niyang inaalala ang kalagayan ng anak kung hindi niya ito maalagaan

- Unang nagkaroon ng virus ang kanyang mister na sinundan naman ng kanyang anak

- Sinabi pa ni Jarolyn na kaya ninais na magkaroon na rin ng virus upang maiparamdam sa kanyang anak na hindi ito nag-iisa sa laban kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina ng COVID-19 patient, hiniling na magkaroon din siya ng virus upang maalagaan ang anak

Sina Jarolyn at VIncent (Photo Source: GMA Public Affairs)
Source: Facebook

Sadyang nakakantig ng puso ang kwento ng pamilya ni Jarolyn at Billy sa USA na sinubok ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na habang ang lahat ng tao sa mundo ay nag-iingat upang di magkaroon ng COVID-19, ang inang si Jarolyn ay humihiling na magkaroon siya nito.

Ayon sa panayam sa kanya ng Tadhana GMA, sinabi nitong ninais niyang magkaroon ng naturang virus upang maalagaan ang anak na tinamaan ng virus.

Una kasing nagkaroon ang asawa ni Jarolyn na si Billy. Sinundan ito ng anak nilang si Vincent na may special needs.

Ito ang labis na ipinag-alala ng ina lalo na at mawawalay sa kanya ang anak na mag-isang malalagak sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman ninais talaga ni Jarolyn na magkaroon siya ng virus para maalagaan ang anak.

"Hiniling ko talaga na mag-positibo ako sa virus. Kasi kung hindi ako maging positibo na ganito ‘yung anak ko, special child siya, mahihirapan siya," pahayag ni Jarolyn.
"Gusto kong iparamdam sa anak ko na sa laban ng COVID, dalawa kami dito," dagdag pa niya.

Malaking bagay na kahit siya ay nagkaroon din, hindi naman siya tinalo ng husto ng COVID-19 na tila dininig lang ang panalangin niyang makasama ang kanyang anak upang ito ay maalagaan.

Dagdag sa hirap ng pagkakaroon ng COVID-19 ang pakikipaglaban ng pasyenteng meron nito na mag-isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala itong pinipiling edad na kahit ang sanggol na mayroong virus ay pilit na ihihiwalay sa inang hindi infected. Kaya mahirap din sa mga ina at pamilya nito ang araw-araw na kalbaryo ng pag-iisip ng kalagayan ng kanilang mga anak.

Maging ang mga matatanda rin na nagkakaroon nito ay hindi pahihintulutang magkaroon ng tagapag-alagang kamag-anak na wala namang virus.

Maari lamang na magkaroon ito ng tagabantay kung ito ay private nurse na may alam ng dapat gawin sa pagbibigay ng medikal na atensyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel