Alok ni Raffy Tulfo, tinabla ni misis na sawa na raw sa hirap

Alok ni Raffy Tulfo, tinabla ni misis na sawa na raw sa hirap

- Wala na ngang nagawa pa ang isang mister mula sa Cavite nang prangkahin ni misis na ayaw na nitong makipagbalikan sa kanya

- Kahit ang alok ni Raffy Tulfo na P50,000 ay hindi na rin umubra pa sa matigas na misis

- Pero hinala ni mister, may iba nang lalaki si misis na tuluyan nang umalis sa kanilang bahay at iniwan silang mag-aama

-Depensa naman ni misis, ayaw na niyang makisama sa lalaking hindi na niya minamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na umubra ang paglapit ng mister na si Earlgie Abas sa programa ni Raffy Tulfo para mapalambot ang puso ng naglayas na misis nito na si Catherine Gallardo.

Alok ni Raffy Tulfo, tinabla ni misis na sawa na raw sa hirap

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Reklamo ni Abas, bigla na lamang umalis ang kinakasama noong June at iniwan siya at ang kanilang tatlong anak na edad 9, 6 at 3.

Giit pa ng lalaki, lumayas daw si Abas dahil sawa na ito hirap ng kanilang pamumuhay. Madalas daw kasi nilang pag-awayan ang pagiging maluho ng babae.

Bukod dito, naghihinala si Abas na may iba nang lalaki si Gallardo at may mga screenshot pa itong ipinakita sa programa kung saan makikita na mayroong kausap si misis tungkol umano sa nobyo nitong taga-Cavite.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero mariing itinanggi ni Gallardo na mayroon itong ibang lalaki at iginiit na nais lamang niyang mag-trabaho na hindi raw nito magawa dahil ayaw ni Abas.

Sa isang kaibigan lang daw siya nakikituloy sa Maynila na nagpakilalang si Gigi Andaya. Ayon kay Andaya ay suma-sideline lamang si Gallardo sa kanyang maliit na tindahan.

Wala rin daw itong alam sa personal na buhay nito maliban sa problema nito sa kinakasama.

Handa rin daw itong tumestigo sa korte kung makapag-desisyon si Abas na sampahan ng kaso si Gallardo.

Sa kabila nito, pinili pa rin ni Gallardo na tuluyan nang makipaghiwalay kay Abas.

Kahit pa nga sinubukan silang pag-ayusin ni Tulfo ay hindi na ito pumayag pa. Maging ang P50,000 na alok ni idol na tulong sa kanilang mag-anak ay tinanggihan din nito.

Hindi na raw kasi nito kaya pang makisama sa lalaking hindi na niya minamahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga inaabangan ng fans ang mga merchandise ng programang Raffy Tulfo in Action na nakilala dahil sa kanilang public service.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang mamamahayag sa bansa at kinikilala ng marami ang kanyang pagtulong.

Kamakailan lang, isang OFW ang lumapit sa programa ni idol Raffy upang ireklamo ang aktres na si Sheryl Cruz.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel