Kilig! Netizen, nakatanggap surpresa sa secret admirer sa kaka-‘sana all’ niya

Kilig! Netizen, nakatanggap surpresa sa secret admirer sa kaka-‘sana all’ niya

- Tampok sa social media ngayon ang nakakakilig na karanasan ng isang netizen

- Aniya, nakiki-sana all lang siya noon sa Facebook pero ngayon siya na ang sinasabihan ng “sana all”

- Nagulat ang netizen dahil matapos niyang mag-share ng isang post online at magsabi ng “sana all” at may nagsorpresa sa kanya

- Biglang may nagpadala sa kanya ng bulaklak at mga pagkain na talaga namang kinakilig din ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ngayon ang isang netizen dahil sa kanyang naging kakaiba at nakakakilig na karanasan.

Nalaman ng KAMI na may sweet na nangyari sa netizen matapos niyang mag-share ng post online at magsabi ng “sana all.”

Nakakakilig! Netizen, nakatanggap ng bulaklak at mga regalo sa kaka-‘sana all’

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ni Sam Samar, kamakailan lang ay nag-share siya ng post kung saan may nagpadala ng pagkain sa isang babae. Kaya naman ang caption niya rito: “sana all.”

Hindi naman inakala ni Sam na mangyayari rin sa kanya ang sa una ay biro lang niya.

“SANA ALL IS REAL!.... Omg . I have shared this post before coz i found it cute . And it happened to me,” aniya.

“Thank you so much who ever did this effort. you’ve absolutely made my day. #SanaAll #sanaallhappy #secretadmirer,” dagdag niya pa.

Nagulat si Sam dahil biglang may nagpadala sa kanya ng isang bouquet ng bulaklak at iba pang mga regalo. Base sa kanyang post, binigyan siya ng pizza, ice cream, at iba pang pagkain ng “secret admirer” niya.

“Sam, hope this made your day! Sana all… Some day. Your secret admirer,” sabi naman sa sulat na nakalagay sa bulaklak na bigay sa kanya.

Samantala, kilig na kilig naman ang mga netizens sa nangyari kay Sam. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post niya:

“Maki sana all na din kayo”
“Nag Sana all ako dati pero dumating na sya kaya happy na ako sa jowa ko kasi sya na talaga mahal ko sana kayo rin”
“Don't stop sana alling baka dumating nadin si Mr. RIGHT nyo”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Usong-uso sa mga Pinoy ngayon ang linyang “sana all” upang ibahagi na gusto rin nila maranasan o makamtan ang isang bagay.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lalaki naman ang hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging “gentleman” sa babaeng nakasabay niya sa jeep.

Samantala, napa-sana all din ang mga netizens sa isang bride matapos siyang regaluhan ng P1 million ng kanyang groom.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel