Meyah Amatorio, itinangging may kinalaman siya sa pagkamatay ni Jang Lucero

Meyah Amatorio, itinangging may kinalaman siya sa pagkamatay ni Jang Lucero

- Naglabas na ng pahayag ang kasintahan ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio kaugnay ng mga akusasyong ibinabato sa kanya

- Itinanggi niya ang pagkakaugnay sa krimen at masakit daw para sa kanya na matapos mamatayan ng mahal sa buhay

- Maging ang mga akusasyon na sinasaktan umano niya ang yumaong kasintahan ay wala rin daw katotohanan

- Wala rin daw siyang balak na mangibang-bansa dahil kung gawin man niya iyon ay para na rin daw niyang sinabi na guilty siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Meyah Amatorio, itinangging may kinalaman siya sa pagkamatay ni Jang Lucero

Ang nasawing si Jang Lucero kasama ang kasintahang si Meyah Amatorio (Photo Source: Robyn Jang Lucero Facebook)
Source: Facebook

Naglabas na ng pahayag si Meyah Amatorio, ang kasintahan ng napaslang na lady driver na si Jang Lucero kaugnay sa mga akusasyon laban sa kanya.

Nalaman ng KAMI na matapos na mapalaya ang sinasabing isa sa mga suspek na si Ann Sheila Belarmino, mas lalong naging matunog ang pangalan ni Meyah na maari raw may kinalaman sa pagkamatay ni Lucero.

Sa ekslusibong panayam ng programa ni Erwin Tulfo kay Meyah Amatorio, mariin nitong itinanggi ang mga naglalabasang paratang sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Syempre, masakit po sa akin, andun yung nawalan ka ng mahal sa buhay tapos ikaw pa yung inaakusahan na may kasalanan," ani Meyah.
"Hindi ko po kayang saktan ang girlfriend ko..."
"Yun pong mga sinasabi sa conversation nila, na sinasaktan ko siya ay hindi naman po totoo yun"

Pinabulaanan din ni Amatorio ang mga lumalabas sa social media na nagtatago na raw siya at binabalak pa na mangibang-bansa.

"Yung sinasabi po nila na nagtatago ako, hindi po totoo yun,"
"Hindi po ako nagtatago, at bakit ako magtatago wala naman akong ginagawang masama"
"Kung magtatago ako, para ko naring sinabi na guilty ako"

Nakapanayam ng programang Tutok Erwin Tulfo 2.0 si Amatorio matapos na humingi na ng saklolo ang ina ni Jang sa programa.

Dumarami na rin umano ang mga sumbong na nakakarating sa ina ni Jang na maaring may kinalaman si Meyah sa kaso kaya naman nais na rin niya itong pa-imbestigahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang wala nang buhay at tadtad ng saksak sa loob ng kanya mismong kotse noong Hunyo 28.

Huyo 3, nang madakip ang inakusahang mastermind ng krimen na si Ann Sheila Belarmino na sinasabing nasa CCTV footage na huling naging pasahero ni Lucero bago ito natagpuang patay.

Ngunit matapos ang nasa isang linggong pagkakakulong, pinalaya na rin ito dahil umano sa kakulangan sa ebidesya.

Patuloy pa ring ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso lalo na at magpasa-hanggang ngayon ay wala pang natutugis na posibleng maging suspek sa karumal-dumal na pagpatay kay Jang Lucero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel