Rider na hinablot ang lisensya bago magawan ng tiket, sapul sa video

Rider na hinablot ang lisensya bago magawan ng tiket, sapul sa video

- Viral ang video kung saan nasapul ang paghablot ng rider sa kanyang lisensya habang ginagawan siya ng violation ticket

- Makikita sa video ang mabilis na pagharurot ng rider na natangay na ang kanyang driver's license

- Mabibigyan ng tiket ang rider sa di nabanggit na dahilan subalit naisipan nitong pumuga

- Ayon sa mga traffic enforcers na naiwan sa lugar, hindi man maabutan ng kanilang kasamahan ang rider, mahuhuli pa rin ito lalo na at naisulat na ang pangalan nito sa naiwang tiket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rider na hinablot ang lisensya bago magawan ng tiket, sapul sa video

MTPB TMU habang ginagawan ng violation ticket ang pumugang rider (Photo Source: Luh Sya! Facebook)
Source: Facebook

Sapul sa video ang di umano'y pagtakas ng isang rider tangay ang kanyang lisensya habang ginagawan sana siya ng tiket dahil sa di nabanggit na violation.

Nalaman ng KAMI na habang nagsusulat ang taga Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB, sumimple ang rider ng paghablot ng kanyang lisensya.

Kitang-kita kung paano humarurot ang rider, tangay ang kanyang lisensya na labis na ikinagulat ng enforcer.

Sinubukan itong sundan ngunit tila hindi na ito maabutan sa bilis ng pagpuga ng rider.

Ayon naman sa isa pang miyembro ng MTPB TMU na naiwan pa sa lugar, hindi pa rin makakalusot ang lalaki sa kanyang violation lalo na at naisulat na nila ang pangalan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mas mapapabilis pa nga ang pagtugis dito dahil sa pangalang nakuha na nila.

Mapapansing alalang-alala ang kumukuha ng video dahil tila sila ang naagrabiyado ng rider sa kalsada.

Maari rin daw magamit na ebidensya ang naturang video lalo na at kitang-kita rito ang mabilis na pagtakas ng rider.

Narito ang kabuuan ng video ng MTPB TMU Operations na binahagi rin ng Facebook page na 'Luh Siya! Riders Ph':

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga pagtulong ng ilang grupo ng motorcycle riders sa kapwa nating higit na nangangailangan, nagagawa naman ng ilan ang ganitong pagtakas sa batas.

Matatandaang minsan ding nag-viral ang isang babaeng driver na matapang na nakipagtalo sa traffic enforcers ukol sa '5-minute rule' ng parking.

Naging kontrobersyal ang viral video na ito lalo na at napag-alamang pawang mga abogado pala ang mag-asawa sa video na nagawang sumagot, at manghamak ng mga enforcers na nanghuli sa kanila partikular sa babaeng driver na siyang nakasagutan ng awtoridad.

Kalaunan ay lumutang na sa publiko ang mag-asawa lalo na at sila ay napangalanan at humingi na rin sila ng kapatawaran sa kanilang nagawang hindi maganda sa mga awtoridad lalo na at may alam naman talaga sila pagdating sa batas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel