DIY wedding na ₱30,000 lang ang nagastos, patok sa mga nais magpakasal kahit may pandemya

DIY wedding na ₱30,000 lang ang nagastos, patok sa mga nais magpakasal kahit may pandemya

- Viral ang post ng isang bride kung paano nila naisagawa ang isang Do-It-Yourself wedding na umabot lang sa ₱30,000

- Maganda at elegante pa rin ang kinalabasan nito kahit hindi gaanong ginastusan

- Nakamamanghang sa nasabing halaga, nakapag-imbita pa sila ng nasa 40 na katao

- Maraming netizens ang natuwa sa konseptong binahagi ng bride lalo na sa mga nais magpakasal sa panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

DIY wedding na ₱30,000 lang ang nagastos, patok sa mga nais magpakasal kahit may pandemya

Gian ang Rich DIY wedding (Photo Source: Rich Alberto Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang post ng bride na si Rich Alberto kung paano nila naisagawa ng kanyang mister na si Gian Carlo Alberto ang isang Do-It-Yourself Wedding.

Nalaman ng KAMI na umabot lamang sa ₱30,000 ang nagastos nila sa naturang kasal kahit pa dinaluhan ito ng nasa 40 na katao.

Isa itong civil wedding na isinagawa nitong January ng kasalukuyang taon, kaya naman kahit na paano ay nagawa pa rin nilang makapag-imbita ng taong malalapit sa kanilang puso.

Ayon pa sa bride, personal niyang pinagplanuhan ang minimalist wedding na ito na halos sila lamang dalawa ni Gian ang gumawa sa tulong lamang ng ilan nilang mga malalapit na kaibigan.

Kahit hindi gaanong pinagkagastusan, maganda at elegante pa rin ang kinalabasan ng kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Malaking bagay na hilig talaga ni Rich ang mga ganitong bagay kaya naman naisagawa nila ng matagumpay ang simple ngunit makabuluhang kasal.

Hindi pa rin naman nawala ang mga importanteng ganap sa ksalan tulad ng father & daughter dance, first dance bilang mag-asawa, ang performance nila ni Gian at ilang special numbers mula sa kanilang mga kaibigan.

Siyempre, hindi rin nawala ang money dance na isa na sa mga ritwal ng kasalan.

Binahagi rin nila ang breakdown ng mga ginastos nila sa kasal oara mabuo ang ideya ng mga nais na gayahin ang kanilang konsepto.

Kapansin-pansing mas mahal pa ang outfit ng groom kaysa sa bride.

Ang cake na isa sa ginagastusan pag kasal ay umabot lamang sa ₱340 at nilagyan na lamang ng dekorasyon ni Rich.

Makikita ring wala silang imbatasyon dahil online invitation lamang ang kanilang ginawa upang makatipid.

Malaking bagay din na may nag-sponsor ng kanilang singsing na kung sa ibang kasalan ay hindi bababa sa ₱10,000.

Sa kabuuan, naging matagumpay at mas memorable ang kanilang kasalan na umayon sa kanilang plano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang may kanya-kanya tayong konsepto pagdating sa pagpapakasal. Tulad na lamang ng mga nagpakasal sa Tagum City Davao del Norte na ginastusan naman ng husto ang kanilang pag-iisang dibdib.

Tila nabawi naman nila ang halagang kanilang nagastos sa laki ng kanilang nalikom sa prosperity dance na umabot sa ₱629,000.

Iba rin naman ang konseptong naisip ng mga nagpasakal sa gitna ng community quarantine sa bansa. Imbis na maghanda sa reception, naisipan na lamang nilang magdonate ng PPE o mga personal protective equipment at grocery items sa isang ospital na malapit sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel