Batang dalawa ang trabaho para maipagamot ang mga magulang, hinangaan

Batang dalawa ang trabaho para maipagamot ang mga magulang, hinangaan

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng batang lalaking matiyagang naglalako para buhayin ang pamilya

- May sakit ang kanyang ina habang baldado na raw ang kanyang ama kaya naman walang ibang inaasahan ang kanilang pamilya kundi siya

- Sa umaga, naglalako siya ng mga panlinis sa bahay habang sa gabi naman ay nagtitinda siya ng balut

- Bagaman at mahirap para sa kanyang murang edad na magbanat ng buto, ginagawa niya ito para sa kanyang mga magulang na nais niyang maipagamot

- Hinangaan ng marami ang pagsusumikap ng batang ito at hangad din nilang matulungan ang pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang dalawa ang trabaho para maipagamot ang mga magulang, hinangaan
Si Manny, ang batang breadwinner na naglalako mula umaga hanggang gabi. (Photo Source: GMA Public Affairs Facebook)
Source: Facebook

Umantig sa puso ng marami ang kwento ng batang si Manny na sa murang edad ay naging breadwinner na ng kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na uma-umaga ay naglalako na ng panindang panlinis sa bahay si Manny habang sa gabi naman ay muli siyang umiikot para naman magtinda ng balut sa North Caloocan.

Ayon pa sa GMA News, ginagawa ito ni Manny dahil walang ibang pwedeng gumawa nito sa kanilang pamilya.

Ang kanyang ina ay may tuberculosis habang ang kanyang ama naman ay hindi na gaanong nakagalaw at baldado na.

Ito ang dahilan kung bakit isinantabi muna ni Manny ang paglalaro upang mabuhay ang mahal niyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Doble kayod ang bata dahil bukod sa pangkain nila sa araw-araw, nag-iipon din siya para maipagamot ang mga magulang.

"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako," naluluhang pahayag ni Manny sa progrmang 'Wish Ko Lang'

Dahil dito, umani ng papuri ang bata at marami rin ang nagpahayag na sana'y matulungan ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless you! Babalik lahat sayo ang kabutihang ginagawa mo."
"Napakaswerte ng mga magulang mo sayo sa mga kabataan diyan, tingnan niyo siya napakasipag natulong sa pmilya di tulad ng ibang kabataan ngayon ni paghugas at linis ng bahay hndi magawa puro cellphone inaatupag . Godbless you boy! Balang araw giginhawa din ang inyong buhay"
"Sana matulungan na magkaroon ng hanapbuhay ang mga magulang ng batang ito at maipagamot na rin. Sana makapag-aral ka hanggang kolehiyo. napakasipag mo!"
"Naiiyak ako sa batang ito, nakak-inspire at sana pamarisan siya ng iba pang kabataan ngayong nakakalimot nang magsumikap"
"Sana dagsain ka ng tulong Manny! deserve mo ang maginhawa at maayos na buhay"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwento ni Manny sa batang matiyagang naglalako ng gulay sa gilid ng kalsada.

Tulad ni Manny, ginagawa rin daw ito ng batang si Jessie upang makatulong sa kanyang pamilya ngayong panahon ng pandemya tulad ng iba pa nating mga kababayan na gumagawa ng paraan para lamang maipagpatuloy ang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica