64 anyos na jeepney driver, naiyak na lang matapos ang isang buwang pamamalimos sa daan

64 anyos na jeepney driver, naiyak na lang matapos ang isang buwang pamamalimos sa daan

- Dahil sa tigil pasada at kahirapan, namamalimos na lang sa lansangan ang isang jeepney driver

- Aniya, humihingi sila ng tulong upang payagan na silang makabiyahe muli ngayong may krisis sa bansa

- Kwento ng driver, siya na lang ang inaasahan ng pamilya niya at umaasa na lang sila sa ayudang bigay ng ibang tao

- Dagdag niya pa, aminado siyang hirap na siya ngayon at ang katawan niya ay pagod na rin dahil may edad na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, maraming mga Pinoy nga ang naapektuhan ang trabaho. Kabilang na rito ang mga jeepney driver na tigil pasada.

Nalaman ng KAMI na hanggang ngayon, ang mga jeepney driver na may rutang Sangandaan-Divisoria ay hindi pa rin pinapayagang bumyahe.

64 anyos na jeepney driver, naiyak na lang matapos ang isang buwang pamamalimos sa daan

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook video ng ABS-CBN News, ang 64 anyos na si Lolo Nicanor ay isang buwang namamalimos na ngayon sa lansangan dahil sa hirap ng buhay.

“Sana matulungan kami na maibalik ‘yung biyahe namin dito. ‘Yun lang naman gusto namin, maibalik ‘yung biyahe,” aniya.

“Kasi matanda na ako, wala na akong trabahong mapapasukan,” dagdag niya pa.

Kwento niya pa, ang mga nakukuha niyang bigas ay bigay ng mga dumadaang kotse sa kalsada nila. Agad din niyang binibigay ito sa mga anak niya upang may makain.

“Pero hirap na ako, ano na ‘yung katawan ko eh, hapo na rin. Pero walang magagawa, ako rin inaasahan ng mga anak ko,” aniya habang naiiyak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa ngayon ay limitadong mass transportation lang pinapayagan ng gobyerno sa Metro Manila habang naka-community quarantine.

Kamakailan, isang grupo ng mga jeepney driver ang nagprotesta upang humingi ng tulong sa gitna ng kahirapan ngayon. Subalit, hinuli ang mga ito at kinulong ng halos isang linggo.

Naging viral din sa social media ang isang lolo na jeepney driver na namamalimos sa kalsada sa mga kapwa tatay niya noong Father’s Day.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel