Kapit lang! Senior na caregiver, mag-isang nilabanan ang COVID-19 sa UK

Kapit lang! Senior na caregiver, mag-isang nilabanan ang COVID-19 sa UK

- Isang senior na caregiver sa United Kingdom ang nagpositibo sa COVID-19 at mag-isa niya itong hinarap doon

- Ikinuwento niya ang hirap na magkaroon ng COVID-19 at mapalayo sa pamilya habang may matinding pinagdadaanan

- Ibinahagi rin ng anak niya ang kanilang pinagdaanan ng pamilya niya habang may sakit ang nanay nila

- Para sa matagal nang caregiver, itong COVID-19 na raw ang pinakamahirap na pinagdaanan niya sa buong buhay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang senior citizen na caregiver sa United Kingdom ang kanyang mga pinagdaanan nang tamaan siya ng COVID-19 doon.

Nalaman ng KAMI na hindi naging madali ito para kay Leny Ramirez dahil mag-isa lang siya sa UK at sobrang layo sa kanya ng pamilya niya.

Kapit lang! Senior na caregiver, mag-isang nilabanan ang COVID-19 sa UK

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News Online, halos 15 na taon nang nagtatrabaho bilang isang caregiver si Leny sa UK. Madalang na siyang maka-uwi ng Pilipinas dahil sa trabaho niya.

Subalit, nagulantang naman siya dahil ang dating nag-aalaga sa ibang tao ay nangangailangan na ng kalinga dahil sa COVID-19.

Kwento ni Leny, bigla siyang nilagnat noong March 29. Sinubukan din niyang obserbahan ang pulse rate niya, nasa 42 beats per minute na lang daw ito. Kaya naman agad siyang sinabihan ng kaibigan niyang tumawag ng ambulansya.

Isang Pinoy na nurse naman ang nagbalita sa pamilya ni Leny na siya nga ay nagpositibo na sa coronavirus disease. Labis ang lungkot ng pamilya niya na matagal na rin niyang hindi nakakasama.

"Dun na yung parang ano? Bakit? Parang bakit sa dami ng tao doon sa UK, bakit si mama pa yung magkakaskit?" sabi ng anak niyang si Beverly.

Nabigyan ng CPAP o Continuous Positive Airway Pressure machine si Leny dahil hirap na talaga siyang makahinga. Dinala na rin siya sa Intensive Care Unit o ICU.

“Ito ang pinakamahirap na naging experience ko sa buhay ko,” sabi ni Leny.

Matapos ang tatlong linggong pakikipaglaban sa COVID-19 ay unti-unting bumubuti ang kalagayan ni Leny. Matapos ang 50 days ay nag-double negative na rin siya sa coronavirus.

“Siyempre umiiyak ako na, ‘yun nga, nagpapasalamat ako nu’n. Una sa Panginoon sa dami ng nagpanalangin sa akin,” sabi niya.

Dahil mag-isa lang sa UK si Leny, binigyan naman siya ng sarili niyang carer ng National Health Service sa loob ng anim na linggo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, nasa higit 292,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa United Kingdom. Nasa higit 163,000 ang may sakit sa England nasa higit 33,000 naman ang sa London.

Maging ang Prime Minister ng UK na si Boris Johnson ay nagpositibo rin sa COVID-19 at na-ICU pa ito. Hindi nagtagal ay nakarekober din siya.

Samantala, isang Pinoy na nurse naman sa London ang binawian ng buhay habang mag-isang naka-quarantine sa kanyang tinitirahan. Nakita na lang siyang walang buhay nang pasukin ang bahay niya ng mga awtoridad.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel