Sekyu sa mall, nabiyayaan ng mamahaling sapatos mula sa isang mabait na customer

Sekyu sa mall, nabiyayaan ng mamahaling sapatos mula sa isang mabait na customer

- Viral ang nakaka-inspire na kwento ng isang shoe enthusiast na nagbahagi ng sapatos sa isang security guard

- Sa tagal daw kasi pagpasok sa parking area ng isang mall, napansin ng guard ang sapatos ng customer at kanya itong binati

- Nang malamang kasukat niya ang customer, naikwento ng guard na minsan na siyang naghanap ng ganoong klaseng sapatos maski sa ukay-ukay ngunit may kamahalan pa rin daw ito

- Tila natunaw ang puso ng customer kaya naisipan niyang bigyan ng sapatos ang security guard

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sekyu sa Southmall, nabiyayaan ng mamahaling sapatos mula sa isang mabait na customer

Bakas sa mukha ng sekyu ang sobrang kasiyahan nang makamit na niya ang pinapangarap na sapatos. (Photo Source: Mark Oneil Facebook)
Source: Facebook

Marami ang na-inspire sa kwentong binahagi ng netizen na si Mark Oneil nang bigyan niya ng isang signature shoes ang security guard na nakausap sa SM Southmall.

Nalaman ng KAMI na shoe enthusiast si Mark kaya naman marami na siyang naipong mamahaling mga sapatos.

Kwento ng customer, nagkataong matagal makapasok sa parking area ng nasabing mall nang mapansin ng guard ang suot niyang sapatos.

Binati ito ng sekyu ang suot na sapatos ni Mark na alam niyang may kamahalan.

Nang malaman ng sekyu ang size, hindi nito napigilang sabihin na magkasukat sila. Naikwento rin nito na minsan na raw siyang naghanap ng ganoong klaseng sapatos sa ukay-ukay ngunit may kamahalan pa rin.

Doon, tila natunaw ang puso ni Mark at dahil nakakaluwag naman siya nang araw na iyon, naisipan niyang ibahagi ang isang pares na sapatos sa guwardiya.

Makalipas ang apat na oras, binalikan talaga ni Mark ang sekyu upang tuparin ang pangarap nito na magkaroon ng magandang sapatos.

"O kuya sabi sayo babalik ako eh. Mas kailangan mo yan at ikaw napasok ka araw-araw, need mo din mag exercise kase fit kayong mga guard," nasambit ni Mark habang binibigay ang sapatos sa guwardiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bakas sa mukha nito ang sobrang kasiyahan nang maiabot na sa kanya ang sapatos na dati lamang niyang pinapangarap.

Hindi rin naman talaga matatawaran ang hanapbuhay ng isang security guard na minsan ay hindi lamang ang ating seguridad ang kanilang iniintindi.

Matatandaang mayroon ding security guard na nag-viral kamakailan dahil sa pagtuturo nito sa batang lansangan na dumaraan sa pawnshop na kanyang binabantayan. Tinuturuan niya itong magbasa habang wala pa namang customer ang sanglaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon ding isa pang viral post tungkol naman sa isang sekyu na nagpaanak sa buntis na inabot na sa daan.

Kaya naman ang simpleng pag-surpresa na ginawa ni Mark sa sekyu ng Southmall ay malaking bagay na para sa kanila na kahit na paano'y makaramdam din naman sila ng pagpapahalaga at kaunting gantimpala.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel