Mga boss ng amusement park, nag-demo ng tamang pagsakay sa rollercoaster sa ‘new normal’

Mga boss ng amusement park, nag-demo ng tamang pagsakay sa rollercoaster sa ‘new normal’

- Kamakailan nga ay pinayagan nang muling magbukas ang mga amusement park sa Japan

- Subalit, may mga patakarang dapat sundin dito dahil sa banta ng COVID-19 tulad ng pagsigaw sa rollercoaster

- Marami umanong mga customer ang nagreklamo sa kanilang patakaran kaya mismong mga boss na ng amusement park ang sumubok nito

- Samantala, ang mga makakasunod naman sa kanilang bagong patakaran ay makakatanggap ng discount

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang video kung saan makikitang nagbigay ng demo o demonstration ang mga boss sa isang amusement park sa Japan kung paano ang tamang pagsakay sa rollercoaster ngayong may banta ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ngayong pinayagan nang magbukas ang mga amusement park sa Japan ay may mga guidelines na dapat pa ring sundin ang mga tao. Isa na nga rito ang pagbabawal sumigaw habang nasa rollercoaster.

Mga boss ng amusement park, nag-demo ng tamang pagsakay sa rollercoaster sa ‘new normal’

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News Online, dalawang boss ng Fujikyu Highland ang mismong sumabak sa challenge na ito. Suot ang kanilang office attire, game na game na pinakita ng mga boss kung paano nga ba ang “silent scream” na dapat gawin sa rollercoaster.

Makikita nga sa video na cool na cool lang ang dalawa habang nasa rollercoaster. Ang isa nga ay inaayos pa ang kanyang buhok at mask kapag nagugulo ito.

Kwento ng isang operator sa amusement park, kahit na may nakalagay nang bawal sumigaw nang malakas sa rollercoaster ay may natatanggap pa ring reklamo ang mga ito mula sa mga tao.

"Even though the amusement park association's guidelines ask you to 'refrain from speaking loudly' we have received complaints it is 'difficult' or 'impossible', so Fujikyu Highland offers a good example," aniya.

Ang mga sasakay sa rollercoaster na makakasunod sa kanilang alituntunin na bawal sumigaw ay makatatanggap ng discount sa kanilang litrato sa rollercoaster.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, nasa lagpas 22,000 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Japan. Samantala, ang 18,000 naman dito ay gumaling na.

Binabalak naman ng Japanese government na ibigay ng libre sa iba’t-ibang mga bansa ang gamot na Avigan na maaaring makatulong kontra COVID-19.

Samantala, plano rin ng Japan na muling pausbungin ang turismo rito matapos ang krisis ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsagot ng ilang parte ng pamasahe ng mga turista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel