83-anyos na lola, tuloy ang pamamasada ng pedicab sa gitna ng pandemya

83-anyos na lola, tuloy ang pamamasada ng pedicab sa gitna ng pandemya

- Viral ang video na binahagi ng isang pari patungkol sa isang lola na matiyaga pa ring naghahanapbuhay

- Maliksi at masayahin pa rin ang 83-anyos na lola na nagagawa pang magmaneho ng pedicab na siyang ikinabubuhay

- May sakit at mahina na ang kanyang mister na kasama niya sa buhay kaya naman siya ang kumakayod para sa kanila

- Wala raw silang kakainin sa isang araw kung hindi siya mamasada dahil wala rin naman daw silang natatanggap na sustento mula sa tatlong mga anak

- Kumakatok ang mag-asawang ito sa sino mang nais magpaabot ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

83-anyos na lola, tuloy ang pamamasada ng pedicab sa gitna ng pandemya

Si Lola Fedeng habang kausap ang pasahero niyang si Fr. Carlo na humanga sa kasipagan niya. (Photo Source: Fr. Carlo Soro Facebook)
Source: Facebook

Nakakadurog ng pusong makita ang viral post ni Fr. Carlo Soro patungkol sa driver ng pedicab na minsan niyang nasakyan sa Barangay Polo, Valenzuela.

Nalaman ng KAMI na ang nagmamaneho pala nito ay isang 83-anyos na lola na si Federacion Villalon o mas kilala sa tawag na Lola Fedeng.

Habang sila ay nasa biyahe, bahagyang inusisa ng pari si Lola Fedeng at tinanong kung bakit pa ito nagtatrabaho.

Kwento ng matanda, hindi raw sila makakakain ng kanyang mister kung hindi siya kakayod.

Mahina na at may sakit ang kanyang asawa na kasa-kasama niya sa buhay.

Ang kanilang tatlong mga anak ay may kanya-kanya nang pamilya at malayo na sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maliksi at masayahin pa rin si Lola Fedeng. Ayon sa kanya, wala rin daw kasing tumutulong na iba sa kanilang mag-asawa kaya naman patuloy pa rin ang kanyang pamamasada.

"Nakakahiya naman po kasing mamalimos ako, eh kaya ko pa naman pong maghanapbuhay," pahayag ni Lola Fedeng na 43 taon na palang ito ang ikinabubuhay.

Ayon naman kay Fr. Carlo, labis siyang namangha sa matanda dahil kahit senior citizen na ito, tuloy pa rin ang pagtatrabaho lalo na at may kinahaharap tayong pandemya.

Ngunit tulad ng katwiran ng marami, magugutom naman si Lola Fedeng at ang kanyang mister kung hindi siya papasada.

Subalit dala pa rin ng hirap ng kanilang sitwasyon, kumakatok pa rin sina Lola Fedeng at asawa nito sa sino man ang may kakayanan na makapagbigay sa kanila ng anumang tulong.

Narito ang kabuaan ng panayam ni Kori Quintos ng ABS-CBN News kay Fr. Carlo at Lola Fedeng:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwento ng padyak driver na ito sa tindero ng gulay na natulungan ng isang motorcycle rider.

Talagang binalikan ng rider ang nadaanang lolo na matiyagang nagtitinda ng gulay sa gilid ng kalsada at tinitiis ang sikat ng araw.

Ayon sa lolo, kinakailangan niyang maglako dahil ito ang pinagkukunan niya ng panggastos sa araw-araw.

Katulad din ng isang 70-anyos na natulungan matapos na masiraan ng bike patungo sa kanyang trabaho.

Masakit isipin na sa kabila ng kanilang edad, kinakailangan pa rin nilang maghanapbuhay para may pantustos sa kanilang mga pangangailangan.

Kaya kahit laganap pa rin ang pandemya, patuloy ang pagkayod nila dahil kung hindi, sikmurang kumakalam ang kanilang kalaban.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel