Mag-asawang frontliners na nagka-COVID-19, labis ang lungkot sa pagkawalay sa anak

Mag-asawang frontliners na nagka-COVID-19, labis ang lungkot sa pagkawalay sa anak

- Magkasunod na nagpositibo ang mag-asawang frontliners sa UAE kung kaya napilitan silang iwan ang tatlong taong gulang na anak

- Unang nagkaroon ng virus ang ina ng bata na isang nurse at makalipas lang ang dalawang araw ay nagpositibo rin ang kanyang mister

- Napakahirap ng kalagayan ng kanilang pamilya dahil bukod sa mayroong COVID-19 ang mag-asawa, mawawalay pa sila kanilang pinakamamahal na anak

- Laking pasalamat nila na pareho silang naka-recover at hindi matatawaran ang araw na muli nilang nakapiling ang anak

- Minabuti na rin ng ina na huminto muna sa pagtatrabaho upang matutukan at maalagaan ang anak na matindi rin ang sakripisyo sa pagkakawalay sa mga magulang na pawang mga COVID-19 survivors na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-asawang frontliner na nagpositibo sa COVID-19, kinailangang iwan ang 3-anyos na anak

"When are you going back home? When will you embrace me?” ang nasambit ng batang si RC sa pag-alis ng kanyang ina para magpagaling sa ospital. (Photo Source: Tadhana, GMA News and Public Affairs FB)
Source: Facebook

Nakakadurog ng puso ang video ng batang si RC Navarro na anak ng mga frontliners na tinamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang nurse sa UAE ang ina ni RC na si Cristine na nakuha ang virus habang siya ay nagtatrabaho.

Nakasalamuha nito ang isang doktor na noon ay positibo na pala sa COVID-19.

Nang makaramdam ng sintomas si Cristine, agad na siyang nagpatest at doon nakumpirmang tinamaan na siya ng virus.

Napakahirap ng kanyang kalagayan lalo na at nang siya ay aalis, doon na umiyak nang husto ang tatlong taong gulang na si RC na ayaw na siyang paalisin.

"When are you going back home? When will you embrace me?” ang ilan sa nasambit ng bata habang umiiyak na tila nararamdaman ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Dalawang araw matapos na makumpirmang may COVID-19 si Cristine, napag-alaman niyang maging ang mister niyang si Raymond ay nagpositibo na rin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sadyang naging mahirap ang kalagayan nila at hiwa-hiwalay din silang mag-anak.

Laking pasalamat na lamang nila na negatibo naman ang isinagawang test sa kanilang anak na si RC at iba pang kaanak nila.

Makalipas ang dalawang linggo, nagnegatibo na sa COVID-19 si Cristine at muling nakasama na ang kanyang anak.

Ang kanya namang mister ay natagalan pa sa ospital ngunit naka-recover din noong Hunyo 18.

Matinding dasal at pananampalataya raw sa Diyos ang kanilang ginawa at ipinagpapasalamat nilang nabigyan pa muli sila ng pagkakataon na magkasama-sama.

Pinili na rin muna ni Cristine na pansamantalang tumigil sa trabaho para matutukan ang kanilang anak na si RC.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na kanilang binahagi sa programang Tadhana ng GMA:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang mahirap ang kalagayan ng mga nurse na nagsisilbing frontliners sa laban nating ito kontra COVID-19.

Tulad na lamang ni Arlou Anne Klein Manganti na isa ring Pinay nurse sa United Kingdom. Buong tapang niyang binahagi ang kanyang video kung ano ang dinanas niya noon bilang isang COVID-19 patient.

Nagbibigay ng update si Anne sa kanyang laban, at bagaman at hirap sa kanyang kalagayan, mapapansing hinding-hindi siya sumuko lalo na nang malamang mild case pa pala ang kanyang pinagdaraanan.

Matapos ng ilang araw na gamutan at pagsunod sa mga dapat na gawin bilang isang COVID-19 patient, gumaling din ito. Tulad ni Cristine, masaya si Anne na siya ay naka-recover at muling nakasama ang mga mahal niya sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel