Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

- Opisyal na ngang ibinasura ng Kongreso ang application para sa franchise renewal ng ABS-CBN Network

- Kamakailan nga ay mapapansing ilang ABS-CBN stars na ang napapanood sa GMA-7 show na Eat Bulaga!

- Ang mga Kapamilya stars ay game na game na nag-guest sa Bawal Judgmental segment ng Kapuso show

- Ilan nga sa mga Kapamilya stars na ito ay sina Richard Yap, Pokwang, at Kim Molina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay naging opisyal na ang desisyon ng Kongreso na ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN Network.

Nalaman ng KAMI na ang lang bigating artista ng Kapamilya network ay napapanood na sa GMA-7 TV show na Eat Bulaga!

Nitong mga nakaraang linggo ay napapadalas nga ang guesting ilang bigating ABS-CBN stars sa “Bawal Judgmental” na segment ng nasabing show.

Narito nga ang ilan sa kanila:

Kim Molina

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Si Kim Molina ay kilalang artista at singer. Ilan sa mga naging palabas niya sa ABS-CBN ay ang The General’s Daughter, Kadenang Ginto, and FPJ’s Ang Probinsyano.

Meg Imperial

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Photo from Flickr
Source: Facebook

Si Meg Imperial ay isang aktres at tanyag na model. Bagama’t siya ay may iba’t-ibang proyekto sa parehas na network ay madalas din siyang mapapanood sa Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Louise delos Reyes

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Photo from @louise.dr on Instagram
Source: Instagram

Si Louise delos Reyes ay naging Kapuso na noon. Pero, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN at napanood nga siya sa mga palabas na Ipaglaban Mo, Asintado, at FPJ’s Ang Probinsyano.

Pokwang

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Si Pokwang ay isa sa mga kilalang komedyante sa ABS-CBN. Ilan nga sa mga palabas niya ang Ipaglaban Mo, Maalalal Mo Kaya, Banana Sundae, Till I Met You, at Make It With You.

Richard Yap

Ilang ABS-CBN stars, binigla ang marami sa kanilang guesting sa ‘Eat Bulaga!’

Photo from Flickr
Source: UGC

Si Richard Yap ay isang actor, recording artists, at businessman. Nakilala siya bilang si “Sir Chief” sa kanyang role sa Be Careful with My Heart at bilang “Papa Chen” sa My Binondo Girl.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa nga ang ABS-CBN sa bigating network sa bansa. Marami na nga itong mga award-winning na artista at palabas na naibahagi sa mga Pinoy.

Subalit, noong Biyernes ay opisyal nang ibinasura ng Kongreso ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Nasa 70 na mambabatas ang bumoto ng “yes” upang tuluyang i-deny ang franchise application nila.

Samantala, maging ang mga Kapuso stars ay nalungkot din at ibinahagi ang kanilang saloobin sa naging desisyon ng Kongreso na huwag ituloy ang prangkisa ng Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel