Internet star Dante Gulapa, humihingi ng saklolo para makahanap ng trabaho

Internet star Dante Gulapa, humihingi ng saklolo para makahanap ng trabaho

- Humihingi ng tulong ang internet star na si Dante Gulapa na kasalukuyan na walang hanapbuhay

- Sa kanya mismong Facebook page, diretsahan siyang nagtanong sa kanyang mga followers kung mayroon ang mga itong alam na trabahong pwedeng pasukin ni Dante

- Umamin si Dante na nakahiwalay ngayon sa kanyang misis ngunit nangangailangan pa rin niyang sustentuhan ang mga anak

- Sa huling update ni Dante, naalala niyang miyembro pala siya ng isang negosyo na balak na lamang niyang ipagpatuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Internet star Dante Gulapa, humihingi ng saklolo para makahanap ng trabaho

Photo Source: Dante Santos Gulapa Facebook
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang post ng internet star na si Dante Gulapa kung saan hayagan na siyang humihingi ng tulong.

Nalaman ng KAMI na isa si Dante sa mga sinubok ng pandemya dahil nawalan siya ng mga raket dahilan para wala rin siyang pagkakitaan.

Nabanggit pa ni Dante na kasalukuyan siyang nakahiwalay sa kanyang misis dahil sa madalas daw nilang pag-aaway.

Ngunit dahil may mga anak silang dapat na sustentuhan, humihingi ng saklolo si Dante sa mga taong may alam kung ano ang trabahong pwede niyang pasukin.

Naikwento rin niyang hindi pa siya nakakasingil sa kanyang mga pautang at marami pa ang hindi nakakapagbayad sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Buong tapang ding inamin ni Dante na wala siyang 'experience' sa trabaho at sinabing puro 'diskarte' lamang daw ang ginagawa niya upang may kitain.

Marami naman sa kanyang mga followers at Facebook friends ang nagbigay suhestyon sa internet star kung saan umabot na sa 1.7 shares ang naturang post.

Sa pinakahuling update ni Dante sa kanyang page, naalala niyang bahagi pala siya ng isang negosyo na naisipan na lamang niyang ipagpatuloy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dante Gulapa ang nasa likod ng mga viral videos ng "eagle dance." Nakilala siya dahil dito at makailang TV guestings na rin ang kanyang nagawa.

Minsan na ring na-feature sa programang 'Magpakailanman' ang kanyang talambuhay. At sa tuwing ibinabahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan mula pagkabata hanggang sa magkaroon na siya ng sariling pamilya, hindi maiwasan ng dating internet star na mapaluha.

Sa kabila ng mga ito, umani pa rin siya ng papuri mula sa ilang mga taga-suporta dahil sa pagigig tapat nito sa kung ano ang tunay na nangyayari na sa kanyang buhay sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel