Motoristang mali ang gamit na helmet, 'hinuli' para bigyan ng bago

Motoristang mali ang gamit na helmet, 'hinuli' para bigyan ng bago

- Hinuli ang isang motorista dahil sa ilang paglabag daw nito sa batas trapiko

- Bagaman at maari ngang mahuli ang lalaking naka-motor dahil sa suot niyang helmet at maging ang suot niyang sapin sa paa, minabuting tulungan na lamang ito ng kapwa niya motorcycle rider

- Kasabwat ang mga traffic enforcer sa lugar, kunwaring hinuli ang lalaki at halatang ninerbyos na sa halaga ng multang maari raw nitong pagbayaran

- Laking gulat ng lalaki na hindi pala siya huhulihin at nabiyayaan pa siya ng bagong helmet

- Bukod pa rito nabigyan din siya ng grocery na maiuuwi niya sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Motoristang mali ang gamit na helmet, 'hinuli' para bigyan ng bago
Bakas sa mata ng motorista ang nerbyos sa pag-aakalang nahuli nga siya dahil sa ilang traffic violation (Photo Source: Team Katagumpay FB)
Source: Facebook

Agaw-atensyon sa social media ang isa na namang pagtulong na ginawa ng Team Katagumpay sa isang motorista.

Nalaman ng KAMI na kasabwat ng riders na ito ang mga traffic enforcer sa lugar na siyang nanghuli sa motoristang kanila pa lang tutulungan.

Hinanapan umano ang lalaki ng barrier ng kanyang motor. Sunod na napansin ang substandard na helmet na suot nito na sinabing bawal din daw.

Maging ang suot niyang sapin sa paa ay napansin din kaya naman inakala nitong patong-patong na ang batas trapikong kanyang nalabag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinarinig pa sa kanya na maaring abutin sa ₱10,000 ang kanyang multa sa dami ng kanyang violation.

Mapapansing napakamot na lamang sa ulo ang motorista na tila di na malaman ang kanyang gagawin.

Nang kinausap na ito ng Team Katagumpay, doon nila nalaman ang kita lamang ng padre de pamilya.

Doon na rin nila sinabi na prank lamang ginawang panghuhuli sa kanya dahil ang pakay talaga ng grupo ay ang matulungan siya.

Binigyan ang motorista ng magandang klase ng helmet at mga grocery items na maiuuwi niya sa kanyang pamilya.

Tila nahimasmasan na ang motorista nang maibigay sa kanya ang mga biyaya at nagpasalamat ito sa mga nagbigay ng tulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, isa ring matanda na naglalako ng gulay ang natulungan ng motorcycle rider na mula sa Team Katagumpay.

Nadaanan lamang nito ang lolo na matiyagang nakaupo sa initan upang maglako ng panindang gulay.

Bukod sa dalawang bag ng grocery items, nabigyan din ng tulong pinansyal ang lolo upang may maiuwi pa siya sa kanyang pamilya.

Inspirasyon at pag-asa ang dala ng ganitong klase ng kwento lalo na sa panahon na humaharap sa matinding krisis ang mundo.

Nakatutuwang isipin na may mga taong handang tumulong sa kapwa nilang higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica