Motorcycle rider, tinulungan ang kawawang lolo na naglalako sa gilid ng highway

Motorcycle rider, tinulungan ang kawawang lolo na naglalako sa gilid ng highway

- Viral ang video ng isang motorcycle rider na nagpaabot ng tulong sa matandang lalaking naglalako sa gilid ng kalsada

- Gulay ang tinda ang 74-anyos na lolo na nakapayong lamang upang hindi gaanong maramdaman ang init sa kanyang pagtitinda

- Nadaaanan ito ng rider at kanyang binalikan dahil nahabag siya sa kalagayan ng lolo

- Sinubok pa niya ang kabutihan nito at nagkunwari siyang kulang ang kanyang pambayad

- Hindi alam ng matanda, gorcery items at karagdagang pera pa ang ibibigay sa kanya ng nagmalasakit na rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Motorcycle rider, tinulungan ang kawawang matandang naglalako sa initan

Ang 74-anyos na naglalako ng gulay na natulungan ng napadaang motorcycle rider (Photo source: Team Katagumpay FB)
Source: Facebook

Pumukaw sa puso ng maraming netizens ang video ng isang motorcycle rider na nagawang balikan ang nadaanan niyang matanda na naglalako sa gilid ng kalsada.

Nalaman ng KAMI na sa gitna ng matinding sikat ng araw, namamayong na lamang ang matanda mailako lamang ang kanyang tindang gulay.

Binahagi ng Team Katagumpay ang ngayo'y viral video kung paano nila tinulungan ang 74-anyos na lolo.

Sa pagsasalita pa lang daw ng matanda, mapapansing hirap ito sa kanyang kalagayan at tila hindi pa raw nakakakain.

Nang kinausap pa ito ng rider, naikwento nito ng bahagya ang sinapit niya sa buhay at kung bakit nauwi na lamang siya sa pagtitinda.

"Naghirap ako, parang mahirap pa ako sa daga," ang nasambit ng lolo.

Lalong nadurog ang puso ng rider ngunit naisipan pa rin niyang subukin ang kabaitan ng tindero.

Nagkunwari siya na kulang ang pera. Idinagdag na lang niya ang 'sinigang' mix para makabawi sa kulang na halaga.

Tinanong lamang ng matanda kung para saan ito, at tinanggap din ang sinigang mix at ang isang daang piso na dapat ay ₱120.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit laking gulat ng lolo na siya pala ang tutulungan ng rider na may dalang dalawang bag ng grocery, damit at karagdagang halaga upang may panggastos ang lolo.

Nagpasalamat ang lolo lalo na at hirap pala talaga itong makabenta at wala halos pumapansin sa kanyang paninda.

Narito ang kabuuan ng video na mayroon nang mahigit 1.8 million views:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa natulungan din ng ilang motorcycle riders na si Tatay Venerando ng Northern Samar.

Masasabing halos hindi na maituring na bahay ng tao ang tinitirhan ng 80-anyos na matanda na mag-isa na lamang sa buhay.

Nang malaman ito ng Team Norte ng JHS RIDERS CLUB & SNIPER CLUB150i, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ang matanda at sa loob lang ng walong oras, naitayo nila ang bahay na handog para kay Tatay Venerando.

Masarap isipin na sa panahon ng pandemya, namumutawi pa rin ang pagtulong ng mga Pilipino lalo na sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel