2 saging vendor, malagim ang kamatayan matapos araruhin ng 1 AUV

2 saging vendor, malagim ang kamatayan matapos araruhin ng 1 AUV

- Patay ang maglive in partner na sina Jovelyn Vasquez at Jonaver Adaza matapos araruhin ng isang sasakyan kagabi, July 13, sa San Jose Del Monte Bulacan

- Dead on arrival ang 29-anyos na ginang habang si Adaza ay nadala pa sa ospital ngunit pumanaw din kalaunan

- Naaresto naman ang driver ng sasakyan na kinilalang si Rene Endaya na napag-alamang nakainom at bago pa lamang nakakapag-drive ng automatic na sasakyan

- Hindi naman matanggap ng mga kaanak ng dalawang nasawi ang sinapit ng mga ito at desididong magsampa ng kaso laban kay Endaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima ng pag-araro ng isang AUV sa San Jose Del Monte, Bulacan kagabi, July 13. Dalawa sa mga ito, namatay na.

Batay sa report ng 24 Oras ng GMA News, kinilala ang mga nasawi na sina Jovelyn Vasquez at Jonaver Adaza na live in partner at nagtitinda ng saging. Dalawa pa ang nasaktan sa insidente.

2 saging vendor, malagim ang kamatayan matapos araruhin ng 1 SUV

Photo from Jovelyn Vasquez Facebook account
Source: Facebook

Dead on arrival ang 29-anyos na ginang habang si Adaza ay nadala pa sa ospital ngunit pumanaw din kalaunan.

Sa video na mabilis na kumalat sa social media, makikita pa nang araruhin ng SUV ang mga vendor sa isang bahagi ng Barangay Sto. Cristo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naaresto naman ang driver ng sasakyan na kinilalang si Rene Endaya na napag-alamang nakainom at bago pa lamang nakakapag-drive ng automatic na sasakyan.

Inamin nito ang pagkakamali ngunit wala naman daw itong balak na takasan ang kanyang nagawa.

Umapela pa ito na sana raw ay pag-usapan na lamang nila ng pamilya ng mga biktima ang pangyayari.

Haharap naman ito sa patong-patong na mga kaso ayon sa SJDM Police.

Hindi naman matanggap ng mga kaanak ang malagim na sinapit nina Adaza at Vasquez na naulila pa ang kanilang maliliit pang mga anak.

Desidido ang mga ito na sampahan at ituloy ang kaso laban kay Endaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Batay sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tumataas ng 5% ang bilang ng aksidente sa kalsada sa Maynila pa lang kada taon ayon sa report ng DWIZ.

Isa sa pangunahing dahilan ang kawalan ng kaalaman sa pagmamaneho.

Ilang aksidente na rin ang nag-viral at pinag-usapan ng marami matapos i-post sa social media tulad na lang ng isang malagim na aksidente sa Bocaue, Bulacan kamakailan. Pero isang lalaki pa nga ang nanamantala sa isa sa mga biktima!

Isa pa sa talagang umugong na balita ang tungkol sa dalawang magkaibigan na nasawi sa isang aksidente matapos lang maghatid ng tulong.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel