Sana all idol! Raffy Tulfo, pinadalhan ng regalo ang 1 Pinay vlogger

Sana all idol! Raffy Tulfo, pinadalhan ng regalo ang 1 Pinay vlogger

- Kita ang kasiyahan sa Pinay vlogger na nakilala bilang si Leti Sha nang makatanggap ng regalo mula kay Raffy Tulfo

- Sa isa sa kanyang mga vlogs sa kanyang YouTube channel, hindi naiwasan ni Leti Sha ang magulat nang makita ang regalong tshirt mula sa Raffy Tulfo in Action team

- Biro pa nga ng dalaga, baka matakot daw ang kanyang mga tigyawat dahil kay idol Raffy nanggaling ang tshirt

- Kamakailan lang ay nag-viral pa ang YouTuber matapos isiwalat ang dahilan kung bakit hindi niya magawang makapagpa-derma

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Lubos na nagalak ang Pinay YouTuber na nakilala bilang si Leti Sha o Letisha Velasco nang makatanggap ng regalo mula sa batikang broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Sa isa sa kanyang mga vlogs sa sariling YouTube channel, hindi naiwasan ni Leti Sha ang magulat nang makatanggap ng regalong 'Tulfo and chill" shirt mula sa "Raffy Tulfo in Action" team. Ang RTIA ang kilalang programa ni Tulfo.

Sana all idol! Raffy Tulfo, pinadalhan ng regalo ang 1 Pinay vlogger

Broadcast journalist Raffy Tulfo; photo from Commons.wikimedia
Source: UGC

Biro pa nga ng dalaga, baka matakot daw ang kanyang mga tigyawat dahil kay idol Raffy nanggaling ang tshirt habang pinupunas pa ito sa kanyang mukha.

Kamakailan lang ay nag-viral pa ang YouTuber matapos isiwalat ang dahilan kung bakit hindi niya magawang makapagpa-derma.

Madalas na umani ng papuri si Leti Sha mula sa kanyang mga followers at viewers dahil sa kanyang pagiging simple at mapagkumbaba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"So much happy to see this girl on how she appreciate all the the things. loveyou girl."
"Letisha's heart is so pure. I can see it through her reactions. Please stay humble. Keep in mind that we'll support you always."
"This girl is amazing , beautiful in her own way!"
"I really enjoyed watching you happy and appreciating each padala huhu. Keep shining!!!"
"Deserve mo lahat yan ate Letisha."

Malaki naman ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang mga taga-subaybay para sa kanyang tagumpay bilang vlogger at influencer.

Kita naman ang nakamit nito sa kanyang mga vlogs na bunga ng kanyang pagpupursige at pangarap sa buhay.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 500K ang views ng naturang video. Habang si Leti Sha ay mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga inaabangan ng fans ang mga merchandise ng programang Raffy Tulfo in Action na nakilala dahil sa kanilang public service.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang mamamahayag sa bansa at kinikilala ng marami ang kanyang pagtulong.

Kamakailan lang maging ang radio DJ na si DJ Chacha ay lumapit na rin kay idol Raffy upang magpatulong dahil sa isyu ng kapatid nito sa isang netizen.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel