Tahong vendor na nagsauli ng cheke na may halagang P15M, hinangaan

Tahong vendor na nagsauli ng cheke na may halagang P15M, hinangaan

- Viral ngayon sa social media ang isang tahong vendor na nagsauli ng bag na may lamang cheke na nagkakahalaga ng P15 million

- Ayon dito na kinilalang si Marlon Tanael, hinintay niya pang mayroong bumalik para kunin ang nawawalang bag

- Pero nang walang bumalik para kunin ito ay nanawagan na siya sa pamamagitan ng social media

- Dahil dito, agad na naibalik sa may-ari ang cheke sa pmamagitan ng City Treasurer’s Office ng Imus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga ang isang lalaki na viral ngayon sa social media matapos nitong magsauli ng bag na napulot nito at may lamang cheke na nagkakahalaga ng P15 million.

Kinilala itong si Marlon Tanael, isang tahong vendor.

Tahong vendor na nagsauli ng cheke na may halagang P15M, hinangaan

Photo from CTO of Imus Facebook page
Source: Facebook

Ayon kay Tanael, hindi niya pinag-interesan ang laman ng bag kung kaya naman hindi niya ito binuksan nang makita at hinintay na lamang na may bumalik na tao para bawiin ito.

Pero makalipas daw ang ilang oras ay wala pa ring bumalik para kunin ang bag kung kaya naman napagpasyahan niyang iuwi na lamang ito.

Kinabukasan na lamang niya nadiskubre na mayroon itong lamang brown envelope at nasa loob nga nito ang cheke.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa pamamagitan ng Facebook page na FUNdemic, nanawagan si Tanael para maibalik sa may-ari ang cheke.

"Ang gusto ko pong mangyari ay mabalik po ito sa City Treasurer of Imus City kasi po bukal po ang kalooban ko na maibalik po itong malaking pera," ayon sa tahong vendor.

Dahil sa nasabing video, agad na nakipag-ugnayan ang municipality ng Imus kay Tanael at tagumpay na naisauli ito sa Property Company of Friends, Inc.na siya palang may-ari nito.

"The City Treasurer's Office of Imus would like to express our deepest gratitude to Sir Marlon Tanael for finding and returning a Manager’s check worth 15 million. The check was later handed over to Sir Gramwil Mark Pango, a representative of Property Company of Friends, Inc.

"Again, Thank you sir! God bless and MABUHAY PO KAYO!" ayon sa FB post ng City Treasurer's Office of Imus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mga Pinoy likas na matapat at matulungin sa kapwa. Ilang istorya na rin ang pumukaw sa damdamin ng marami matapos mabalita o mag-viral sa social media.

Sa Dubai, isang Pinay ang nakatanggap ng karangalan matapos magsauli ng napulot na malaking pera.

Sa programa ni Raffy Tulfo, isang Pinoy driver naman ang nakatanggap ng malaking pabuya matapos isauli ang bag na napulot na may lamang P200K na pag-aari ng isang Koreano.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel