Anyare? Lolong 1 buwan nang patay, gumaling pa raw sa COVID-19
- Isang buwan nang patay si lolo Fructoso Mabatid pero nakatanggap pa raw ang pamilya nito ng certificate na gumaling ito sa COVID-19
- Nagdulot ito ng kalituhan sa mga kaanak ni lolo Fructoso at humingi ng tulong sa social media
-Base sa death certficate nito, nasawi ito dahil sa acute respiratory failure noong May 30, 2020
- Pero ayon sa Department of Health, kasama ang pangalan ni lolo Fructoso sa mga nasawi dahil sa deadly virus
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Mahigit isang buwan na nang pumanaw si lolo Fructoso Mabatid pero ang pamilya nito ay nakatanggap pa ng certificate ng paggaling daw nito sa COVID-19.
Nagdulot ito ng kalituhan sa mga kaanak ni lolo Fructoso at humingi ng tulong sa social media.
Sa isang panayam ng Stand for Truth ng GMA News, ibinahagi ng apo ni lolo Fructoso na si Dorothy Valencia ang pangyayari.
Ayon kay Dorothy, May 28, 2020 nang isugod nila sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ang lolo dahil nahirapan na raw itong huminga.
Agad naman daw itong binigyan ng oxygen pero naghintay pa raw sila hanggang May 29, 2020 bago nakapasok sa emergency room ng ospital, bandang 9 p.m.
Pero nang silipin daw niya ang lolo ay bigla na lamang daw itong nawala at wala raw silang kaalam-alam na inilipat na pala ito sa isolation building.
Bandang 11 p.m. nang tumawag daw ang doktor sa kanila at sinabing mas nahihirapan na umanong huminga si lolo Fructoso. Pumanaw kinalaunan si lolo Fructoso.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Base sa death certficate nito, nasawi ito dahil sa acute respiratory failure noong May 30, 2020.
Sinabihan daw ang mga kaanak ni lolo Fructoso na suspected COVID-19 case ito kung kaya hindi maaaring buksan ang cadaver bag at agad na inilibing ang matanda.
June 2, 2020 nang puntahan ang pamilya para i-swab test dahil nag-positibo raw si lolo Fructoso sa COVID-19. Sa kabutihang-palad ay negatibo naman ang pamilya sa virus.
Matapos nga ang isang buwan ay natanggap nila ang certificate na "clinically recovered" na si lolo Fructoso.
Pero ayon sa Department of Health (DOH), kasama ang pangalan ni lolo Fructoso sa mga nasawi dahil sa deadly virus.
Hindi raw dapat na nabigyan ng certificate ng paggaling si lolo Fructoso dahil agad naman daw itong pumanaw.
Sabi naman sa pahayag ng Cebu City Health Department, nagkaroon lamang ng miscommunication sa nangyari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh