OFW sa Hong Kong, suwerte sa amo at nakapagpundar na ng sariling bahay
- Binahagi ng isang domestic helper na nasa Hong Kong ang nakaka-inspire niyang kwento bilang isang OFW
- Ikalawang amo na raw niya ito sa ibang bansa ngunit masuwerte pa rin siya na mabait din ito sa kanya at tinatrato siyang kapamilya
- Maayos din ang pasahod sa kanya kaya naman nakapundar na siya ng sariling bahay at kasunod na rin niyang proyekto ang pagbili ng bagong kotse
- Nagsususmikap din siyang makaipon para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masasabing isa ang OFW na si Lady Ann Briones na sinuwerte sa amo sa ibang bansa na siyang nakakatulong sa kanya upang makamit ang dati lamang na pinapangarap sa buhay.
Nalaman ng KAMI na domestic helper si Lady Ann sa Hong Kong at ikalawang beses na niya itong pamamasukan sa ibang bansa.
Sa parehong pagkakataon, hindi gaanong nahirapan si Lady Ann sa kanyang hanapbuhay at ang tanging kalaban lamang niya ay ang kalungkutan.
At dahil maayos ang kanyang trabaho at mababait ang kanyang mga nagiging amo, nakapagpatayo na ng sariling bahay si Lady Ann.
Talagang pinagsusumikapan niyang makapagpundar para na rin sa kinabukasan ng kanyang nag-iisang anak.
Tunay na kahanga-hanga ang kwento ni Lady Ann na naghahatid ng inspirasyon lalo na sa mga kapwa niya OFW.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na ibinahagi sa KAMI:
"Ako po si Lady Ann Briones, 31years old at nandito po ako ngayon sa Hong Kong, bale 6 years na po ako rito ngayong October.
Domestic Helper po ako. Pangalawang amo ko po ngayon itong amo ko. Pa-recontract narin ngayon sa pangalawang kontrata. Natapos ko po ang unang apat na taon sa unang amo ko.
Wala po akong trabaho sa Pinas. Pero nagtrabaho rin po ako sa Singapore mula 2007-2012.
May anak po ako isang 7 year-old-boy. Grade 1 at honor student po sa isang pribadong paaralan.
Masasabi ko pong isa ako sa mga masuswerte dahil simula sa Singapore napakabait ng mga nagiging amo ko. Puro sila Christian. Itinuturing nla akong parang pamilya. Hindi ako iba sa kanila. Especially ngayon dito sa boss ko. Magka-edad lang kami para kaming magkakapatid.
Sad to say po na dalawang uwi ko ang nacancelled dahil sa virus. Ngayong September po ulet uwi ko kaso malabo na naman po gawa ng virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakapundar po ako ng bahay. Fully furnished worth 500k po. Next target ko po 4 wheels naman.
Maganda magtrabaho po dito sa abroad dahil malaki ang kita. Pero malungkot din dahil malayo sa pamilya lalo sa paglaki ng anak ko na di ko man lang magabayan. Pero sa tulong ng socmed nakakausap at natuturuan naman po.
Para sakin po, marerealize mo talaga ang hirap ng buhay pag walang wala ka at walang tutulong sayo. Kaya habang malakas tayo, magtrabaho tayo at mag-ipon dahil hndi sa lahat ng oras may tutulong satin. Kinakaya ko po lahat makapag-ipon lang po at matupad lahat ng pangarap ko at sa future ng anak ko."
Hindi nalalayo ang kwentong ito sa isa ring OFW na si Janice Dalida Esmeña na nakapagpatayo na rin ng sarili niyang bahay sa loob lamang ng apat na buwan na pangingibang bansa.
Bukod sa sariling bahay nakabili na rin siya ng lupain sa Negros Occidental. Tulad ni Lady Ann, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ni Janice sa kanyang pamiya dahil na rin sa kanyang determinasyon at matinding sakripisyo.
Isa rin ang OFW na si Joena Ordinario na sa pagiging kasambahay sa ibang bansa, naregaluhan din ng malaki at magandang bahay ang kanyang ina.
Laking pasalamat nila na sa panahon ng pandemya ay patuloy pa rin silang nakakapagtrabaho at nakakapagpadala pa rin ng sustento sa mga mahal nila sa buhay na nasa Pilipinas.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh