Anak ng OFW sa Saudi na nag-viral sa paghingi ng tulong, emosyonal sa pagpanaw ng ama
- Kamakailan lang ay nag-viral ang video ng isang OFW sa Saudi Arabia na humihingi ng tulong dahil sa sakit niya
- Isang araw matapos mag-viral ang video ay agad ding pumanaw ang OFW na si Marcelo Tanyag
- Ngayon naman, ibinahagi ng kanyang anak at kapatid ang naging dagok nila upang maibalik ng Pinas ang labi ni Marcelo
- Ibinahagi rin ng anak niya ang hirap na mawalan ng isang ama lalo na sa panahon ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging viral sa social media ang video ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos niyang humingi ng tulong dahil sa iniindang sakit. Subalit, isang araw matapos nito ay pumanaw na siya.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi naman ng anak ni Marcelo Tanyag ang hirap nang mawalan ng ama sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ayon sa Facebook video ng Reel Time, matapos ang 22 na araw ay doon lang naiuwi sa Pilipinas ang labi ni Marcelo. Hirap na hirap umano ang pamilya niya na makipag-usap sa employer ni Marcelo.
Giit ni Fhrinj Tanyag, mahirap para sa kanya ang mawalan ng isang ama lalo na’t alam nilang napabayaan ito sa Saudi Arabia.
“Hindi po namin tinigilan ‘yung employer. Kung hindi pupukpukin, hindi sila kikilos agad, e,” aniya.
Sabi pa ng pamilya ni Marcelo, wala silang natanggap na tulong sa gobyerno. Lahat ng gastos ay sinagot nila at umabot ito sa P100,000.
Ibinahagi rin ni Fhrinj ang kanyang pagmamahal sa ama niya ngayong pumanaw na ito.
“I love you, Daddy. Mahal na mahal kita. Hindi man kami ganun ka-vocal pero mahal na mahal kita, Dy,” sabi niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi naging malinaw kung COVID-19 ba ang kinamatay ni Marcelo dahil ang nakalagay sa death certificate ay cardiac arrest.
Naging viral ang video ni Marcelo kung saan nahihirapan na siya huminga at humihingi siya ng tulong. Aniya, hindi raw siya dinadala sa ospital ng employer niya.
Samantala, sa nakaraang ulat naman ng KAMI, isang anak din ng OFW sa Saudi Arabia ang naghihinagpis nang madiskubre ang lagay ng magulang niyang OFW.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh